Diabetic pregnant
Hi im on my 22 weeks of pregnancy. Last check up ko nalaman ko na mataas ang sugar ko. Para akong na stress. Di ko alam pano sisimulan ang diet para lang bumalik sa normal ang sugar ko. Pa help nmn sa mga foods na madalas nyo kinakain. Na nakakatulong sa heakthy pregnancy. ##1stimemom ##pleasehelp #pregnancy #firstbaby #advicepls
Diagnosed din with Gestational Diabetes. Wala ako ni isa pinasa sa OGTT ko lahat mataas ๐ Pero pinag monitor ako blood sugar 3x a day para malaman if mag insulin kami. So far ok naman. Pumapasa pa. Binigyan ako ng diet plan ng OB ko. High Risk OB/ Perinatologist OB ko kaya nia maghandle ng cases na ganito. Ginawa ko tinanggal ko talaga rice. Pinalitan ko Adlai rice with normal na ulam naman. Tapos onte lang mga serving ng pagkain. More on gulay talaga. Para na nga ako kambing. Haha. Pero nakakapag sweets pa din naman ako like ung maternal milk, yogurt at fruits. Wag lang talaga sobra. Nakapag chicharon pa ako kahapon. Ok pa din naman sugar. Basta iwas lang talaga sa mga high carbs like pasta, noodles, rice, tinapay ganyan. Ung sugar palitan mo ng equal gold. Iwas din sa softdrinks at juice. Pede tikim lang. Kaya mo yan sis. Tingin ka online mga meal plan for preggy na meron diabetes. Kaya yan ng diet. Bili ka ng pang monitor ng blood sugar. Sa Shopee madami 500 lang bili ko. Tapos medyo gagatos ka nalang sa strips.
Magbasa paDiagnosed din ako with GDM pinarefer ako sa endocrinologist at nagpaalaga po talaga ako monitoring daily ng bloodsugar at nagpagawa ng dietplan sa nutritionist.. Dati ako naka LCIF for 2years but ayaw ni endo ko na wala ako carbs kaya sinunod ko nalang yun dietplan sakin ng nutritionist ko. Ayun controlled thru diet ang GDM ko from daily monitoring upto once a week monitoring nalang ng sugar.. Nanganak po ako na ok kami ni baby. Basta po alisin niyo ang mga ma sugary foods at less rice ka mii mas maganda din po magpagawa ka ng dietplan mo sa nutritionist para angkop sa height at weight mo ang kelangan mo pagkain daily And pwede ka din mag walking every morning or exercise na pwede sa buntis
Magbasa pa