advice po please?
I'm 18 years old and 33 weeks pregnant po. Masama po ba na maging proud at masaya para sa baby ko especially po nung nalaman ko gender ng baby ko sobrang saya ko po, pero yung family ko parang hindi pabor sa pagpopost ko nung about sa gender ng baby ko at pagpost ko po na sobrang proud po ako. May mali po ba dun? Nakakadown lang po kasi mga mamsh, alam ko naman po na nagkamali ako kasi nabuntis ako ng maaga at hindi pa tapos sa pagaaral, pinagsisihan ko naman po yung nagawa kong kasalanan pero masama po ba na maging proud at masaya para sa baby ko? ?? Pahingi naman po ng advice mga mamsh ?? Ps. (First Pic) Nung nabasa ko po message ng tita ko about sa nakita daw po ng lola ko, pakiramdam ko po parang mali yung ginawa ko na pagpopost ng about sa baby ko ?? (Second Pic) eto po yung post ko na pagkaproud about sa baby ko


Tama lang nman po ang snbe sayo. Hnd sa pag aano. Pnproteksyonan ka lang nla sa mga mapanghusga. Kasi kung iisipin ang bata m tlga nabuntis. Hnd kpa nkpagtapos. Malamang e hnd handa ang pamilya mo pero dahil mahal ka nla wala na sila magagawa kundi tanggapin, sympre sino ba nman magulang ang gustong mabuntis ang anak nla ng hnd pa nkkpagtapos.. sympre iniingatan ka lang nla kasi mdme ssabihan ang ibang tao..wala dn nman masama sa post mo. Pero sbe nga ng iba, wag maging proud sa isang bagay na nkpagpaiyak sa iyong magulang... hnd nya maari tanggap pa sa ngayon kaya ganyan sila. Andyan na wala n kau lahat magagwa kundi tanggapin, pero tanggapin m dn sana ung consequence ng ngawa mo, pinagaaral ka binuhay ka ng tama tapos ganyan lng mangyyare kaya d pa nla totally tanggap at mpagmamalaki.. naiintndhn ka nla sana intndhn m dn mga nasaktan mo.. y ko nasabe to, ganyan kc nangyare skn before ako nga nkpagtapos pa eh. 23 na ko nabigla nlng sila buntis nko hnd dn nla agad ntanggap kasi gsto nla mkta muna kong successful pero ngauon mahal na mahal nila ung apo nla, 6 na taon na at magkakaron na ulit ng isa pa... ❤️gudluck sis. Sana maintndhan m ang sitwasyon mo. . Kung bakit ganyan sila...
Magbasa pasiguro mnimize mo lang post, yung hindi palagi. I'm 33yo and got pregnant with our second baby, i'm married and we both have decent jobs pero pgkapanganak ko lang kmi ngpost ng hubby ko bout that, why? Not all is happy with your journey or they just dont care at all, lalo sayo neng 18yo ka palang, ang bata mo pa at bilang parents or elders sa pamilya mo, cgro pnprotect ka lang nila sa negative na sasabihin ng mga tao against sayo. supposedly ng-aaral kpa dapat, about achievements mo sa school dpat nakikita ng mga tao pro iba nga..hindi nmn sa hindi sila masaya pero siguro disappointed. for all teenage moms experiencing the same, someday pg ngmatured pa kyo maiintindihan nyo sinasabi ng matatanda sa inyo at kahit ano pa marinig nyo sa pamilya nyo, wag mamasamain. still continue your studies so you make them proud as well
Magbasa paWala akong nakikitang mali sa post mo sis. Yung mama ko pinagbabawal din ako magpost sa fb about my pregnancy, may mga paniniwala kasi sila na ganito ganun, i guess ganun talaga mga oldies natin. My advice is be positive lang always, nevermind the negative people on social media. My husband is very proud na soon magkakaroon na siya ng baby so instead of me posting it online, siya ang nagpopost ng walang paalam. 6 weeks pa lang tyan ko nun nung magpost siya na buntis na daw ako. Ayun wala nagawa mother ko. I know what you feel, na gusto mo lang ipagsigawan sa mundo na masayang masaya ka dahil sa baby mo, and there’s nothing wrong with it, mahirap talaga itago ang excitement. As long as never mind the negative people. I’m 32 weeks now, 22 years old and always be positive lang po tayo. ❤️❤️❤️
Magbasa paSa tingin ko mommy, they're just trying to protect you and your baby from prying eyes and mahahaderang chismosa. Iba din po kasi yung impact ng negative words sa preggy esp sa baby sa uterus mo. You can do a group chat instead kung saan nandon yung mga close friends and relatives mo for you to share the good news with. Baka madami ka pa makuhang real advises and instant support group mo na din yon. Look at the brighter side po, di po lahat ng tingin naten and nafeel naten ganon na talaga, there's always another side of the story. If ever na tama nga instinct mo na kinakahiya ka nga then shame on them, you have your parents, partner and baby-sobra sobrang love na yon for you to be affected sa sasabihin ng ibang tao. Pray momsh 🙏❤
Magbasa pathere's nothing wrong about that sis.. being proud that you are carrying a blessing from God above is awonderful feeling indeed. deadmahin mo nlng ang mga negativity na sinasabi nila sayo. been there. pero never ako nahiya kahit pa 17 palang ako nun buntis nako.. after all, wLa naman naging ambag sa buhay ko ang kahit sino.. kahit pamilya ko pa.. and u know what, til now im so proud of my daughter.. she never fails to make me proud. top 1 sa klase at ang ganda ganda nia. at masayang masaya ako na hndi ako nakinig khit kanino.. ginawa ko kung ano gusto ko at ipinagmalaki ko sa lahat na batang ina ko, and ayun parehas kming achiever ng anak ko.. 😊😊😊 pray ka lang malalampasan mo lahat yan
Magbasa pahmmm prang gnyan ang mga mattanda kasi di nila nagets ung social media generation kasi tau lahat sineshare natin :) pero wla nmn tau intention na bad. So different perspective lng siguro, intindihin mo n lng din sila they have a different mindset pero for your own good nmn daw. I suggest ay ilimit mo sila sa fb hehe. gnyan ako if I know the person will not understand me or does not need to know, acquaintance sila sa akin. o dba wla sila masay kasi wla silang nakikita hehhehe 😆 wag ka n mastress mommy, it is a blessing that you will soon have a baby boy ❤️❤️❤️ Pray ka lang lagi and be happy. :) God bless you both!
Magbasa paDon't mind them, minsan kasi pinapakita concern pero it's the other way around. be happy and be proud po! yes bata ka pa, pero atleast hindi mo kinakahiya anak mo. Do your best na palakihin anak mo. Pwede ka parin naman mag aral kahit may baby ka pa, and may mga kakilala ako mga successful kahit maaga nag buntis, I'm 35 years old and ngayon lang ako nagkababy, 39 weeks on Monday, pero proud ako sakanila, iba pa sakanila single mother. Kasi meron dyan nagpapalaglag para lang masabi dalaga, real talk lang po. pero ikaw proud ka. Be strong and be proud yun lang po, kasi marami talaga ang mapanghusga na tao ☺️.
Magbasa paPwde nman tau maging masaya na hnd na pnpost sa social media ganyan cgro meaning ng tita mo na nagtxt sau. Base sa nabasa ko wala nman sya snabeng masakit. Pnprotektahan ka pa nga sa mga manghhusga. Kc d m tlga maiiwasan yan sbhan na ganun. Mbbasa ng lahat at mssktan dn sila pag nkarinig ng masakit. Yes, a baby is a blessing.. pero sympre mas ok kung nsa tamang edad, handa nba kayo tlga. Pinagplanuhan,. Mabaet pa nga pamilya m sau kc ung iba pnpalayas pa dahil nabuntis ng hnd nkkpagtapos.. just look at the brighter side na swerte k pdn at iniintndi nlng ng relative m kesa itakwil ka...
Magbasa paBe strong lang sis ako nga kahit 25yrsold na ako na buntis hindi parin nila tanggap ang pagbubuntis ko ngayon...si baby lang ang ating iisipin.pray lang tayo kay lord...matatanggap rin nila yan kasi blessing yan sa atin mga babae.yon iba nga naghahangad na mabuntis hanggan sa naging matanda na sila hindi parin nabuntis...kaya proud tayo mga momshi..sana din intindihin mo rin yon parents mo..mabuti ka pa nga tanggap ka nila..ako nang boyfriend ko nagsisikap kami para sa aming magiging anak soon...😊😇Godbless us sis...and dont forget to pray...😇
Magbasa paBaka po kasi natatanda na sila at gusto nang low key lang kasi ganun naman po pag matanda na oarang di sila sanay sa mga post ng mga kabataan, pero cheer up dear as long as tanggap mo na ang baby mo kahit bata ka pa kagit husgahan kapa ng ibang tao never naging masama ang pagbubuntis. Buti ka nga nakakapag post na, ako 20y/o never pa nagpost about my baby even alam na ng buong family ko. Di naman sa ndi ako proud but I want my pregnancy to be private. Nasa atin naman ang desisyon about posting walang masama dun
Magbasa pa