Mga mii ok lang po ba na di umiinom ng gatas? May folic,obynal at calcium and milo lang iniinom ko.
Im 13 weeks pregnant,ok lang po ba na milo instead of gatas di ko kase gusto
Hi 13 weeks ako ngayon dko pa gusto lasa ng Maternity Milk ko (Enfamama Chocolate) kaya naka Ovaltine ako. As per OB no stress, may hanggang next month pa ako since ma selan paglilihi ko haha pero pwede ko daw pa konti2 Enfamama mix sa Ovaltine ☺️ pero pag next month ayaw ko padin, mag Calcium tablet na daw ako
Magbasa paTry mo po ung enfamama na chocolate flavor :D yan po iniinom ko now kasi ayaw ko din ng milk at nilalagyan ko ng ice kasi naduduwal talaga ko sa mainit at maligamgam na mga milk drinks 😬 Kapag ka milk flavor naman ng enfamama, ginagawa kong smoothie nilalagyan ng fruits para di halata ung lasa nung milk 😅
Magbasa pa.. ako nasusuka sa pure milk and chocolate kaya kapeng bigas ako na may gatas. di pa ako nakakatry nung anmum mocha wala kasi mabilhan sa shopee lng at ang tagal ma ship out so for now kape bigas muna nagtatake naman ako ng calcuimate and iron with folic
wala kasing enough na vitamins ang milo unlike sa mga maternal milk. may tulong din kasi yun sa baby. itry mo anmum chocolate or mocha flavor at lagyan mo ng ice masarap siya. kasi kapag mainit nalalasahan ko ung gatas 😂 pero kapag may ice super sarap.
mataas po sugar content ng milo :( as much as possible dapat less na tayo sa matatamis (and rice/bread) kasi lumalaki ng husto si baby sa tyan pag madami tayo sugar intake, baka mahirapan po kayo manganak if malaki si baby..
switch ka lng sa iba na pwede mong mainom na rich in calcium
milo din iniinom ko.