NAUSEA AND DIZZINESS

Im 11 wks pregnant and experiencing severe naseau and dizziness. really lost my appetite and my weight is dropping natatakot ako wala na sustansya nakukuha sakin baby ko. any tips po? super hirap na hirap po even drinking water is hard for me kase after that susuka na ko ulit😭 minsan nay dugo na yung suka ko and ansakit sakit na ng throat ko . laging masakit sikmura ko😢 #1stimemom #pregnancy #advicepls

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Parehas na parehas tayo nung nasa first trimester pa lang ako. Meron akong Hyperemesis Gravidarum. Hindi rin ako makainom ng tubig at sinusuka ko. Sobrang bumaba yung weight ko umabot ako ng 36 kilos na lang from 43 and as in lahat ng nilalagay ko sa sikmura ko sinusuka ko. Halos sumusuka na rin ako ng dugo. Naconfine rin ako ilang beses dahil sa dehydration. Try mo fresh buko juice, ayan ang ginawa kong tubig noon pero pilitin mo pa rin mag water kahit mahirap. Tapos sa umaga kain ka crackers muna like skyflakes ganon. Konti konti lang ang kain pero maya't maya. Ang mahalaga may laman ang sikmura mo para kapag susuka ka hindi magagasgas ang tyan mo at may maisuka ka. Sinabihan rin ako mag ngata ng yelo para di madehydrate. Binigyan ako ng gamot para sa sikmura tsaka oral salts. Alam ko mahirap mommy pero pilitin mo po para kay baby. Makakaraos ka rin po diyan konting tiis lang🙏

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din po ako noong nasa 1st tri. Hindi naman ako dumating sa point na dumugo na nung nagsusuka ako pero konti nalang madedehydrate na ako. Ang ginawa ko, kung anong gusto ng sikmura ko kainin is kakainin ko pero konti konti lang para lang may laman ang tiyan ko at di kawawa si baby tapos sinamahan ko ng milk na advice ng OB ko sakin. You need to consult to your OB na po mommy, para mabigyan ka po ng meds for severe morning sickness para di po kayo madehydrate.

Magbasa pa

Consult your OB asap, mommy. Mainit pa naman ngayon, very bad for pregnant women na ma-dehydrate. If worse comes to worst, baka hyperemesis gravidarum, you really need medical attention. I had similar experience sa first baby namin but not as severe. I had ice chips, yun lang talaga kaya ko, several times a day kasi kahit simpleng lagok ng tubig sinusuka ko. Hope makapagpa-check up ka na asap para matulungan ka ni OB.

Magbasa pa

kung severe bka need mo ma admit. try mo cold water tasty bread ice chips dry crackers pag walng tumalab, ma aadmit ka for hydration na rin. pilitin mo po kung kaya.. wala po tlga gana pag my mornjng sickness at suka ng suka. pero kung pati tubig d k makainom delikado po. malamang po ma admit ka kung d mo mamamanage uminom.

Magbasa pa

Para sa TAMAD na naghahanap ng FREE and REAL MONEY. $20 🔥🔥🔥 https://crrnt.me/EqE4DcE02eb By listening music lang and mag chacharge ng cellphone mo. 20×48= 960 pesos FREE 960 pesos oh san ka pa? Just install and keep playing music lang gagawin mo. You can check the legitimacy sa YOUTUBE! 😇

Magbasa pa

Ganyan din aq non.. pero pag dating ng 2nd trimester nawala na..bumalik na sa normal lahat.. nung 1st trimester halos di talaga makakain tapos suka lng ako ng suka.. maghapon, feeling ko nga ma coconfine nako sa sobrang hirap.. pero thanksgod nakaraos din ☺️

VIP Member

hirap po talaga lalo sa 1st trimester mamsh😩. Try nyo po milk at crackers. Tas orange or kiatkiat. Inom kapa din po ng tubig para dika po madehydrate. Pag ayaw pdn po, pacheckup kana po sa OB. Godbless😇

VIP Member

thats just normal. mawawala din yan. pilitin mo lang makakaen hnggat kaya. morning sickness yan. pero kapag di na talaga kaya paadmit ka para maswero ka. baka kasi madehydrate ka delikado.

Ako na admit ako twice dahil same tayo case. Consult ka lang sa ob mo para maadvise ka nya kung ano dapat mo gawin. 5months na tyan ko now nahihilo pa din pero di na tulad ng dati.

Pa check kana ob mo momshie reresitahan ka nya ng dapat na gamot parang ako nun ganyan rin kaso mas severe sayo kasi may kasamang dugo. Ako nun continues vomiting lang