Sino Po sa inyo May HG during pregnancy?

I’m 11 weeks pregnant and 3 weeks na ako nag susuffer sa HG, I’m not able to drink enough water ksi water makes me wanna vomit more, I can’t eat anything kasi once I eat nasusuka agad ako, though pinipilit ko kumain kaso puro Crackers Lang at I’m salivating the whole day as in all the time except when sleeping at feeling ko mas marami pa nailabas kong laway kesa sa nainom kong liquid, ganito din ba na-experience? Pa share ng naman ng mga home remedy niyo or pano niyo nalagpasan yung stage na to kasi naiiyak na ako sa hirap.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I had HG during my first trimester. Sobrang hirap, kahit tubig sinusuka ko. Naconfine ako ng 2 days dahil sa dehydration dahil delikado yun para kay baby. Pagka discharge ko, niresetahan ako ni OB ng antiemetic para pang lessen ng vomiting and nausea. I suggest small frequent meals. Kahit 5x ka kumain sa isang araw basta pakonti konti. If wala talaga kayang tanggapin tiyan mo, eat plain crackers. If di ka makainom ng water, inom ka gatorade para may electrolytes pa din katawan mo. Ok din buko for rehydration.

Magbasa pa

nag HG case din ako nung 9 weeks ko, naospital din ako due to dehydration... 2 days din... paconfine na if wala tlgang food intake na maayos at water intake... ngayon 11 weeks na ako nakakakain na ng paonte onte na hnd nagsusuka pero problema nagdidischarge ako ng odorless, sticky slightly yellowish discharge no sign of itchyness naman pero papacheck yp ako kc hnd ko alam if infection sya na no sign due to dehydration before tapos hnd nakakawiwi dhl walang watee intake masyado... 😭 Pero wag naman sana...

Magbasa pa

pag hnd nyo na po Kaya at wla na po kaung lakas I mean tumayo maglakad kumain at uminom.. better na pumnta na po kayo ng hospital at magpaadmit pra maidextrose na kau. mahirap yang HG kasi ongoing ko pinagdadaanan. kakarelease q lng po ng hospital after 9 days at medyo nalessen na ung pagsusuka ko... at nakakakain at inom nrn aq kaht konting kanin... iwasan u po tlg ung pagkain na malasa masarsa at mabaho o mabango man kasi nagttrigger po yan ng suka. ingat ka po

Magbasa pa

Same case sis, pero advice sakin ni ob try ko raw small frequent meal every 2hrs. Ang ginagawa ko sis bago a kumakain inom muna aq ng tubig kc pag kain muna aq then inom ng tubig tlagang sinusuka ko. Gusto nga aqng I confine dhil baka madehydrate aq. Sv ko observe ko muna. Skyflakes sis lagi aqng nagbabad sa bibig q. Now I'm 10weeks and 5days preggy. Khit papaano nakakasurvive naman.

Magbasa pa

Hindi po ako nag HG nun pero araw araw ung nausea ko at times vomiting din, hirap pag nasa work pa. Small frequent meals lang po muna, kung nakatulong nguya kayo ng ice chips. Ask din your OB for advice if may meds na makatulong malessen HG. Importante po mag hydrate kau hanggang maari. Reason for admission po kasi ng HG is dehydration.

Magbasa pa

Sa 1st baby ko ganyan na ganyan ako, haysss iniiyak ko na lang nun para maibsan yung stress ko, tapos libangin mo sarili mo, manood ka ng mga movies or kdrama, while watching kumain ka paunti unti..or maghanap ka ng kausap o kwentuhan tapos habang nakikipag kwentuhan ka..inom inom ka tubig pakonti konti, ganyan mga teknik ko nun:-)

Magbasa pa