Is this normal?

Hello, I'm 10 weeks pregnant. Kanina maliligo sana ako nang makapa kong may dugo nga po. Considered pa po ba itong spotting? Walang masakit sa akin. Pero nag panic attack ako. Bukas pa kase check up ko. Then yong ob ko di nagri-reply. Haysy. #1stimemom #advicepls #pregnancy #pleasehelp EDITED: Wala na po 'yong baby ko. 10 weeks na dapat siya pero 5 weeks lang yong development niya. Yong nararanasan ko palang bleeding is sign na nga talaga na wala na. Nakakapanglumo. Nakakalungkot. Nakakawalang gana. Excited lahat lalo na kami tapos ganito.

Is this normal?
22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Best po na pag ganyan macheck ng ob if not sa ER po dalhin agad, pag madami po kasi pwedeng threatened miscarriage. Experienced it 3 times, bleeding na po. Nadala ako sa ER, may tinurok at pinainom din ng paparelax ng uterus. wag pong magself-medicate. Chineck din Ang cervix close naman. Then pelvic ultrasound to check heartbeat ni baby buti safe sya. Later we found out, may complete placenta previa ako kaya may bleeding. Buti by January, tumaas na placenta high lying na. Pero bed rest pa din and as needed ang inom ng pamparelax ng uterus.

Magbasa pa

ako po 9weeks pregnant po taz noon saturday nagspotting din po ako pero di po ganyan at pahinti hinto po sakin...uminom po ako agad ng pampakapit at bedrest po..pero worrying po kasi 3 day now me spotting pa din po ako..check up po san ko kahapon kaso wala iyong o.b ko..🥺 normal pa din po ba ito for 9weeks pregnant?

Magbasa pa
3y ago

no momsh bed rest ka lang po momsh wag ka kumain ng kung anu ano ganyan ako dati

Me nag spotting ako nung 7weeks ako pero nd ganyan kadame Konti lang tapos wala na nd na naulet kinabahan ako kala ko kng napano nako . Pag ihi ko lang non pag check ko my dugo kaunte tapos pag changed ko mag hapon lang ako nag hihiga . Ingat den ako kmlos nd na naulet

3y ago

Yong akin po, kahit nakahiga buong magdamag, ganoon pa rin. haysy. Nong unang ultrasound ko,walang nakita. kaya pinalipat ako sa iba.

sa tingin ko .ndi na po yan spotting ang dami pa tapos mapula pa .last year .nkunan po aq threatened abortion miscarriage. kht pinainum na ng pampakapit nkunan pa rin aq . brownies paunti2x lng sa panty.

VIP Member

hndi po normal, asap po pa check up na kayo kasi any bleeding po d normal pg preggy kung dpa kabuwanan, medyo marami po yan kumpara sa spotting

nag spotting din ako but hindi ganyan ka red. brownish sya sabi nung ob ko normal daw pero pinainom nya ako mg pampakaapit dor 1weeek

Pag ganyan my LumaLabas na dugo diretcho npo kau ER kac nakakatakot po pag dugo ang Lumabas wg bsta basta inum ng kung ano ano

ako nga po 27 weeks nung dinugo ako. takbo agad ako sa ER malapit saamin. takbo po kayo agad sa ER.

pls take note of this po. as per my OB any type of bleeding during pregnancy is not normal po

go to your ob manghingi ka ng pampakapit ganyan ako pinabayaan kulang momsh