askinggg
ilang months po bang pregnant yung mag susuka po?
Hi mommy. Usually ang pagsusuka sa first trimester, malelessen na sya pagpatak ng second trimester. Although, may mga mommies din na after second trimester lang nawawala yung pagsusuka. 7 months preggy na ko nung nawala pagsusuka ko. During first and second trimester, 6 kilos nawala sakin dahil sa sobrang pagsusuka.
Magbasa pa1month Ko Nag susuka Ako , Pero Nung Mga 2 months Wala Na , Ni Pag Lilihi Wala . Thanks Kay Baby Di Nya Ako Pinahihirapan . - Going 4months Preggy .
depende sa mood ng cycle mo yn mommy sabi nila dapat 4months wala ng pag susuka pero iyong iba hanggang 3rth semi nagsusuka pa rin iba iba po..
Depende kung maselan, First trimester hanggang 2nd trimester pero tulad ko hindi ako nakaranas ng paglilihi. Parang natural lang.
dipende po😊... ako kc till now nag sususka padin😢 mag 19 weeks nko buti pa ung ibang momshie hnd nag susuka😅
Nung first trimester ko super naexperience yung pagsusuka and pagkahilo. Super sensitive ko nun sa smell and food din
Usually first quarter. 1-3mos. Sa iba naman second Trimester na nila na eexperience yung morning sickness.
1st trimester depende nman po kung maselan k mgbuntis , sa second baby ko d ko naranasan mglihi :)
sakin kasi 3 mos po. Pang 4th baby ko na kasi to. everytime na magsusuka ko twinf ikaw 3rd month tlga
Depende kasi iba iba naman. ako first trimester lang. yung mother ko noon hanggang manganak.
Nurturer of 3 active son