Ilang beses nyo pinaliliguan ang mga anak nyo sa isang araw?
Normally once lang. Pero pag summer at sobrang naiinitan sila, 2-3 times a day or minsan kahit half bath lang basta ma freshen up sila.
According to his OB, pwede 3x a day pero twice a day ko lang pinapaliguan. Punas na lang before bed time. (8 months pa lang baby ko)
depende kung sobrang init umaga then hapon if hindi naman ganun kainit sa umaga lang sya naliligo then punas lang sa hapon.
depends on age. My son is 5yrs old 2-3times kasi sobrang init lalo na summer. pero pag good weather naman 1-2x a day.
Once at ayaw ni hubby papaliguan ng gabi bk daw magkasakit,pero kung ako gustong gusto ko at nakakaawa ang init sobra
isang beses lng po sa umaga. pero sa gabi nililinisan q bago matulog. punas lang. dpt masanay c baby na naglilinis
kung bagong panganak once aday po,pro kung toddler na c chikiting twice aday lalo na sa panahon ngayon mainit
Morning lang siya naliligo tapos punas punas nalang sa hapon. Di naman kasi nalabas ng bahay anak ko hehehe
sa panganay ko 3 beses sa isang araw. tapos sa baby ko ligo sa umaga tapos punas punas na lang sa gabi
Once a day lang. Usually pagka-tapos nyang kumain ng lunch at magpahinga para presko sya sa siesta nya.