i can't chose

If you were me, I have an ex-boyfriend in United States. Nagkahiwalay kami sa kadahilanang pangako nyang susuportahan nya ako d2 sa manila habang nag paprocess kami ng documents for visa. Kaso ng dahil sa covid hindi na tuloy, nag patuloy ang communication namin.. di na rin sya nag sesend ng support. Nag stop ako sa pag aaral ko dahil inalok nya ako ng magandang buhay sa america. Nasa less than 10k ang lahat ng naipadala nya sa akin.. ginamit ko yun sa pamasahe at pag pa process ng documents. Nung nagkahiwalay na kami after 2 months may nag chat sa aking German. Taga Austria Germany sya. weeks palang kami nagkakilala ng nag offer xa sa akin na ipapabunot ko ang sirang ngipin ko hiningi nya ang I.D ko... nagtataka ako nung una.. tapos sinabi nya papadala sya ng pera. 19k ang pinadala nya, na shock ako kasi isang bagsakan 19k agad! Di na ako nagpatumpik tumpik pa nagpabunot agad ako ng ngipin binigay pa sa akin ng dentis ang dalawa kong wisdom tooth.. agad ko yun pinicturan at pinasa sa german para may proof na di ko ginamit ang pera sa walang kabuluhang bagay.. gumastos ako ng 12k kasi tig 6k per wisdom tooth.. may sobra pa ako. Pinadala ko sa parents ko ang 4k akin ang sobra. Sobra akong nagpapasalamat sa German. Ngayon ito ang issue.... Nainis ang German sa akin kasi humingi ako ng tulong para maka bayad sa apartment.. lumipat kasi kami noon dahil sa irerenovate ang aming tinitirhan.. sinabihan ako ng German na bakit di ako mag trabaho daw, sagot ko mahirap makahanap ng trabaho d2 sa maynila.. sabi nya ulit bakit di ka umuwi sa pamilya mo.. nagulat ako sa kanya di ko sya kinausap ng 2 weeks. Di nya kasi alam na may family issue ako.. kaya ako huminto sa pag aaral dahil sinaktan at pinalayas ako ng papa ko.. kaya ko grinab ang opportunity na sumama sa Americano sa kadahilanang mapapabuti nga ang buhay ko.. ngayon chinat ako ulit ng German, ang sabi ko pasensya kung humingi ako ng tulong sayo. Pwde mo ba akong tulungan makahanap ng mabait na amo jan sa Germany? May passport na kasi ako, yun ang sabi ko.. sabi nya meron, sa akin.. natawa ako at sinabi seryuso ako, ang sabi nya may passport ka na pala ang sabi ko oo gusto mo ba malaman kung paano ko nakuha ang passport? Sabi nya oo. Kaya kniwento ko sa kanya ang lahat. Na minsang hiniling ng ama ko na sana mamatay nalang ako. Mas magiging masaya sya kung mamatay nalang ako. Kinwento ko rin sa kanya ang tungkol sa ex-boyfriend kong Americano. Natuwa ako sa sinabi nya, pupunta ako sa pilipinas yun ang sabi nya. Ng sinabi kong pwde nya ba akong ibook ng ticket para maka uwi ako sa mindanao, tumanggi sya. Ang sabi ko segi ako nalang hahanap ng pera para sa ticket ko.. ang hirap ng buhay d2 sa manila. Totoo naman tlga na mahirap ang buhay d2 sa manila lalot wala akong trabaho. Nalungkot ako sa mga inasal nya.. napaisip ako baka wala din akong kasiguraduhan sa German na yun. Habang nag fi-facebook ako.. biglang nag chat yung ex-boyfriend kong Americano. Di ko sya blinock, gusto ko kasi makita nya na masaya ako kahit na tinalikuran nya ako. So ganon na nga habang nagpapalitan kami ng mga saloobin namin.. tinanong ko sya kung mahal nya ako ang sagot nya oo. Sabi ko kung mahal mo ako dapat gumawa ka ng paraan para maka alis ako sa kalbaryong buhay nato. Uuwi ako sa mindanao at alam mong walang internet doon. Sagot nya magpapadala ako ng pera sayo Para may pang internet ka, sagot ko di ko kailangan ng pera mo ang gusto ko lng maka alis na d2 dahil yun ang pangako mo sa akin noong nag aaral pa ako.. ang sakit sobra dahil huminto ako sa pag aaral para lng sumama sayo pero ngayon iiwan mo ako sa ere.. yun ang sabi ko.. sinabi ko din sa kanya na pwde ka namang pumunta d2 sa pilipinas pero iko-quarantine ka ng 14 days. Kailngan lang nman natin ng katibayan na mag fiance tayo. Kung ayaw mong pumunta d2 pwde naman yung tourist visa.. kailngan mo lng ng show money at least sa 3 months ako jan sa America makakapagpakasal na tayo di ko na kailngan ma hassle sa pagkuha ng visa. After 3 months uuwi ako sa pilipinas at babalik ulit sa america at tuluyan na akong maging american citizen. Yun ang sabi ko sa kanya.. ang sabi nya cge magtanong tanong ka at tumawag ka ulit sa akin bukas. Salamat po sa pagbabasa sa mahabang storya ng buhay ko. Ngayon ang tanong ko po.. sino po ang pipiliin ko sa dalawa? Yung ex-boyfriend kong nagbabalik na 58 years old or yung Manliligaw kong German na 48 years old? Di po ako maganda, pangit po ako actually di rin po ako gold digger, gusto ko lng magkaroon ng magandang buhay dahil itinakwil ako ng pamilya ko dahil sa 10 years ago ko ng kasalanan.. bata pa ako noon at medyo wala pa sa tamang edad kaya nakagawa ng ganoong bagay pero di ko sila masisisi kung ayaw nila akong pagkatiwalaan.. nangarap akong maging teacher kaya ako nag aral ulit kaya lng wala ng susuporta sa akin.. kaya po ako humihingi ng openion nyo.. actually wala po akong mapagsasabihan neto baka po kasi iba ang magiging tingin ng tao sa akin... At least d2 pwde kong itago ang aking identity.. maraming salamt po at sana maibahagi nyo rin po sa akin ang inyong openion 😇😇

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

We cant choose for u. you know them better. Im not going to judge u. Choice mo mg depend sa kanila.. there are other ways din paano mg earn. 😀 if youre confused, pray. choose the right person. isipin mo ng mabuti sis.. kasi di lahat ng nasa abroad maganda ang buhay. may mahirap din sa states.

4y ago

ok po yung ex-boyfriend ko po engineer po tapos doctor po ang anak nya. yung German po may sariling business po may sariling mga trucks na nagdideliver ng parts ng mga big machines. alam ko po yun kasi through video chats nakikita ko kung anong ginagawa nila.. so what do you think po?😇

Dun ka sa nakakapag pasaya sayo. Kase pareho nman silang may stable na work, for sure mabibigyan ka nila ng magandang future kahit sino skanila ang piliin mo. Choose to be happy 😊