Ultrasound

If hindi maselan ang pagbubuntis, kailangan ba monthly nagpapa-ultrasound? Ako kasi may subchorionic hemorrhage kaya every 2 weeks nagpapa-ultrasound. Pero pagaling na siya (TYL!) and sabi ng OB ko, kahit every 4 weeks na ako magpa-consult. Sa ultrasound, gaano na lang siya kadalas? #firsttimemom

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po ay 8 weeks and 5 days today pero once pa lang na ultrasound nung March 9. Nakita may subchronic hemorrhage ako. Pero ang next check-up ko sa OB ko sa April 16 pa. At sabi nya ang next ultrasound ko raw ay sa 2nd trimester ko na at wala syang binigay pang specific date for the next ultrasound. I take duphaston 3x a day mula nung nalaman kong buntis ako nung going 6weeks ako and i will take it until 14 weeks daw ako. I requested pampakapit talaga agad the very next day na nalaman kong buntis ako kasi i had a miscarriage last year. Tapos sa bed lang ako whole day kasi WFH naman ako. Sabi ng OB ko ay gusto nya raw iwasan ang frequent exposure ko sa ultrasound pero baka magrequest ako ng ultrasound kasi gusto ko makasiguro na wala na ang subchronic hemorrhage ko. Parang di ko na mahintay ang 2nd trimester for the next ultrasound.

Magbasa pa

ganyan po ako ng 1st tri ko then nung nawala na once a month nalang po ako required magpa check up , currently 2nd tri na po ako , sunod ka lang po kay Ob alam nya po makakabuti sainyo ni Baby and yes opo magastos pero paid off naman po lahat yan lalo kapag nawala sub hemo nyo and healthy si baby sending hugs mommy

Magbasa pa

Hi, ano daw po cause ng sub hemorrhage mo mi? Meron din kasi ako almost 1month na ko nag take ng pang pakapit pero still may pa konti pa din brown discharge pag umaga minsan once or twice a week. Next ultrasound ko sa Saturday. Sana wala na sub hemorrhage na makita. 😔 11weeks na ko ngayon.

ako din mi may subchorionic hemorrhage 3 months preggy and okay naman si baby last last tvs ko nung March 3 170 fhb nya, ang reseta sakin is isoxsuprine 3x a day mas mura sa duphaston. sana nga po next month ultrasound ko mawala na din yung hemorrhage.

ako po hindi maselan pero gusto kopo every week magpacheck up kaso di pwede. hahahhah. mas excited pako makita ang OB at pumunta sa clinic niya kesa makipagkita sa mga friends ko. 🤣🤣🤣

2y ago

tsaka magagalit din ang OB if every week hhahahahaah. kasi mauubusan siya ng sasabihin saken. 🤣🤣🤣

Ako hindi maselan every month checkup at cas ultrasound ko pero ngayong 33weeks nako every 2weeks na balik ko sa ob ko para mamonitor kami ni baby dahil malapit na duedate🥰

TapFluencer

same tayo may subchorionic hemorrhage din, mag 3months palang akong buntis pero 3times na ko na ultrasound. 3xa day reseta saken ng duphaston ( pampakapit) ☺️

1st tri every 2weeks check up then monthly na pag 2nd to 3rd tri yan po ung normal. Sa 3rd tri near due date saka babalik sa every 2weeks check up or weekly.

ako din mommy may ganyan at may pcos ang right ovaries ko 5weeks ko nlaman na buntis ako ano po ba yan miii kasi pinapabalik din ako ng ob ko sa 24

ako every 2weeks nung 1st rei then eveey month na after nun then 3rd tri ko ebery 2weeks ulit. depende po sa OB nyo yun. ask nyo na lang po sya.