I Wish I Was Normal (An Incompetent Cervix and Diabetic Mom Story—Isang sipi mula sa aking buhay)
“I wish I was normal.” Ni Pepay Posted on my FB page @GodisMyRock Date posted June 30, 2019 Noong Abril 16, 2019, 7:05 p.m., nag-post ako sa Facebook account ko ng isang kahilingan. Ang nilagay ko doon ay “I wish I was normal… I wish (Umiiyak na emoticon)”. Sa mga oras na ito sobrang down na down ako sa sarili ko parang pakiramdam ko nilalaglag ako ng sarili kong katawan. Naiisip ko kung sana naging normal akong magbuntis hindi ko dadanasin ang lahat ng ito. Marso nang malaman kong buntis ako sa ikaapat kong supling. Masaya na may halong takot ang nararamdaman ko. Masaya kasi binigyan ulit ako ng Diyos ng tyansa na magbuntis at sana ay mabuhay at nang makasama ko na. Takot kasi ako dahil mayroon akong incompetent cervix at diabetes. Kung mapapatunayan pa na baka mayroon din akong Anti-phospoliphid Anti-body syndrome (APAS) na nagko-cause ng pre-term na panganganak na sinabi na noon ng isang doktor sa akin, sobra akong nangangamba at natatakot para sa aming mag-ina at pati na rin sa asawa ko. Ayaw ko na sanang pagdaanan ulit ang mga madidilim na senaryo sa buhay ko. Doon sa mga sandaling gusto ko na lang mawala o mamatay dahil sa sobrang sakit. Ayaw ko na sanang makadama ng sakit kasi baka this time hindi ko na kayanin. Ano nga ba ulit ang Incompetent Cervix? (Isang maikling eksplanasyon para sa mga magtatanong) Ito ay kung saan ang mahina ang kakayahan ng pwerta na panatalihin sa loob ng sinapupunan ang sanggol. Habang lumalaki at bumibigat siya, ang pwerta ay unti-unti ring umiiksi at bumubukas. Iyon ang rason kung bakit nanganganak ako ng maaga o wala sa buwan. Hindi madali ang magkaroon ng Incompetent Cervix dahil hindi mo alam kung kailan bubuka ang pwerta mo at basta na lang manganganak ng wala sa oras. May solusyon naman ito at iyon ay ang procedure ng Cerclage. Ito ay proseso ng pagtahi ng pwerta na ginagawa tuwing 12 to 14 weeks na ang baby, upang isara ito at pigilan ang pagbuka nito ng maaga. Kapag nagawa na ang cerclage kailangang mag-bed rest. Depende rin sa Obygenecologist kung moderate o strict ang ibibigay sa 'yo na bed rest. Kung moderate p'wede ka pang tumayo, maglakad at may comfort room opportunities kung strict naman ay hindi. Kaya mula sa matapos ito hanggang sa araw ng panganganak ay kailangan kang nakahiga lang. Diabetis. Oo, mayroon din akong diabetis. Type 2. Insulin dependent. Tatlong beses sa isang araw kung ako ay magturok. Turok? Oo, turok… kung paano ko nasu-survive ang isang araw na nagtuturok ng tatlong beses sa tiyan, hindi ko rin alam. Takot na takot ako sa mga tusok pero ‘yong pagtuturok ng insulin para sa amin ni baby kinakaya ko kahit masakit. Halos tadtad na nga ang tiyan ko ng mga pinaturukan ko ng insulin. Maliban sa pagtuturok sa tiyan kailangan ko ring mag-monitor ng blood sugar kaya nag-pi-prick din ako ng mga daliri ko para mag-extract ng dugo at isalang sa glucometer upang tignan kung okey ba ang dugo ko, mataas ba o mababa. Pero parehong delikado kaya kailangang normal lang ang sugar sa dugo. Maaari kasing maraming komplikasyon ang makukuha ni baby kung hindi controlled ang sugar ng isang nanay kaya kailangan kong kontrolin ang aking sugar level. Anti-Pospholiphid Anti-body Syndrome o mas kilala sa tawag na APAS, ano naman ito? Sa aking pagkakaintindi ito ay ang pagkakaroon ng malakas na immune system na sa sobrang lakas lahat ng pumasok sa katawan natin na alien bodies or cancer cells or bacteria at virus ay pinapatay ng mga anti-bodies. Kung kayat ang pagkakaroon ng APAS ay maganda sana para sa mga cancer patients pero hindi sa mga buntis dahil pinapatay nito ang sanggol sa sinapupunan ng ina. Ang APAS ay may limang kategorya, at ako ay suspected na napapabilang sa ikalawang katergorya, kung saan ang aking mga anti-bodies ay bumubuo ng blood clots upang saraduhan ang daluyan ng pagkain at oxygen ni baby. Ito ang rason kung bakit hindi lumalaki si baby at tuluyan na siyang mamawala. Isa rin itong cause ng IC dahil nagwawala na si baby sa loob dahil nga wala na siyang makain at wala ng supply na oxygen. Kapag nagwawala siya, galaw nang galaw ang matres at bubuka na ang pwerta. Suspected pa lang naman ako na mayroon nito ngunit nakakatakot nang isipin. Ang APAS ay walang humpay din na turukan at pangunguha ng dugo upang tingnan kung bumaba na ba ang anti-bodies na pumapatay sa sanggol. At close monitoring sa ultrasound upang matiyak na okay si baby sa sinapupunan. I-pin-ost ko ang aking hiling sa Facebook account ko na may pagpapakiusap sa Diyos. Maaari ko namang hilingin na lang sa Kanya sa pamamagitan ng dasal, ngunit isina-publiko ko pa. Hindi ito upang may masabi lang kundi naghahanap din ako ng mga taong ipapanalangin din ako dahil gusto ko na talagang mabuhay ang anak ko. Gusto ko nang may mayakap, may mahalikan, may mahawakan at may masabing 'aking anak'. Hindi nga ba't masarap din sa pakiramdam na may nagdadasal para sa 'yo? Hindi naman nabigo ang post ko at may mga nag-comment doon. Tatlo sila. Pero mas naantig ang puso ko sa sinabi ni Ate Yen, ang pinakahuling komento sa post ko. Ang sabi niya “We're not normal. Our story is unique and rare. That makes us special (Insert wink emoticon)”. Doon ko na-feel ang pagpapala ni Lord sa buhay ko. Bakit nga ba kailangan kong pasanin ang lahat ng mga pangamba, takot at problema ko? Kung p'wede ko namang itaas kay God ang mga ito at huwag nang kunin pa kundi humingi ng tulong na samahan Niya ako hanggang sa maka-survive ako dito. Dahil walang malaking problema kung nasa tabi mo ang mapagmahal na Diyos. My pregnancy may be too bloody, too exhausting, too painful, too financially draining, too much to bear, but I have God. Surrendering the battle to Him doesn't mean defeat, but a won battle. Because there is nothing you can overcome with God who has your back. God made me special; my journey, my story, my life. The LORD will fight for you; you need only to be still. (Exodus 14:14) God got me, God got you. Whatever battles we are fighting, remember that we have won it because God is with us. Let us all claim it in Jesus name! Amen!