PAIN😪
Hi! I just want to share my story nahihirapan po kasi ako wala akong mapagsabihan. I'm 19 years old and 30 weeks and 4 days pregnant, first time baby ko ito kaya diko alam ang mga gagawin at kung ano ang mga bawal kaya naniniwala na lang ako sa mga sinasabi sakin ng nakakatanda. Almost 5months na yung tummy ko nung first time kong magpacheck up naabutan kasi ng lockdown e bawal lumabas kaya nalate na talaga. Dun lang din ako nagstart uminom ng mga nireseta sakin na mga vitamins. Fast forward ko na lang po mga momshie, Gabi- gabi akong bigla na lang naiiyak dahil sa iniisip ko yung kalagayan ni baby kung healthy ba sya sa loob, malakas ba sya pag labas nya. Di ako nag eexpect na healthy sya dahil hindi naman healthy ang kinakain ko lalo na sa almusal imbis na gatas, black coffee na may kanin ang tinetake ko dahil sa wala ngang budget pambili ng energen araw araw, pahinto hinto rin ako sa pag inom ng vitamins at ang lagi naman naming ulam noodles at itlog minsan de lata, Kaya lubos talaga akong nagprepray kay lord na sana maging normal ang baby ko ayokong maging sakitin sya ng dahil sakin,pero nagtitiwala ako sa Panginoon na kahit ganto ang kinakain ko magiging healthy parin at malakas pa rin ang baby ko. Tuwing sasapit ang gabi dun ako laging napapaiyak dahilan kung bakit mga 2 0r 3 am nako nakakatulog diko alam kung bakit, minsan isang beses may nakita akong post dito sa apps nato, malayo pa ang due date nya pero halos kumpleto na ang gamit ng baby niya, pero ako ni isang gamit ni baby wala ni lampin,pulbos,sabon or kung ano ano pa. Kaya diko maiwasan di maiinggit sabi ko sana ako din, oo kasalanan namin to dahil hindi kami nag isip ng mabuti hindi muna namin iniisip kung mabibigyan ba namin ng maayos na buhay si baby bago gumawa pero di ako nagsisisi na binigyan agad ako ni lord ng baby maswerte pa nga ako dahil pinagkalooban nya ko ng napakagandang blessing. Oo mahirap ang buhay ngayon pero alam kong makakaahon din dahil lagi lang syang andyan.
Mom of 1 potato Content Creator and a Live Seller