First time mom via NSD

Hi. I just want to share my experience. And mgkwento na din kasi tulog na si LO. Wala ako magawa. ? Sept 4, mejo mabigat na yung pakiramdam ng tyan ko, and dahil gustong gusto ko na lumabas si baby inaya ko si hubby magmall. So nag mall kami hanggang gabi tapos pag uwi ko mayat maya na nagccontract tapos nawawala. Pero keri ko pa mamsh. Ang hinahanap ko kasi na pain is ung tuloy tuloy na sinasabi ng OB ko. ? Sept 5, i woke up 6am, kasi narinig ko sbe ng byenan ko dapat daw naglakakad lakad ako, lagi kasi ako nasa room dahil naging antukin ako nung kabuwanan ko na. Then sumama ako sa kasambahay namin mamalengke, naglakad kami papunta at pauwi. After non nagyabang pa ako sabi ko balewala din para lang akong nag akyat baba sa hagdan. Which is lagi kong ginagawa kasi nasa 3rdflr ang room namin ni hubby. Pag akyat ko sa room, humiga ako. Tapos sumakit yung balakang ko na parang nangangalay and humihilab ung tyan ko katulad nung hilab last night which is hindi naman tuloy tuloy pero mas masakit sya. Lunch time na bumaba ako para kumain. And after nun nagpunta ako sa store nmin para matagtag ako, kasi mga mamsh binabangungot na ata ako na lagi akong nanganganak sa panaginip sa sobrag excite ko. Hahahaha Maya maya mga 11:30 na siguro, nafeel ko na parang basa ung shorts ko. Since hndi ko naman alam kasi nga first time ko naman and hindi ko alam ung mga signs na manganganak na ko, umakyat ako, tapos iniisip ko bakit ako napaihi ng hindi ko manlang nafifeel ??? tapos bumaba ule ako from 3rd flr sinabe ko sa byenan ko, sabe nya sakin aba panubigan mo na yan. Tapos pinapapunta nya na kami ng hospital. Umakyat sya tapos binulabog nya si mister ko sa pagkakatulog kaya ayun naalimpungatan dali dali binitbit ung maleta at bag ni baby. Hahahaha tapos sabi ni mother, "tanga maligo ka muna o khit magtoothbrush" hahaha Pagdating namin sa hospital, binigay ko na ung recommendation ko from ob sa E.R. tapos sabe ko wala naman ako nararamdaman, so gusto ko lang mag pa i.e. kasi huling i.e sakin 3cms ako mga 1week n ako naghihintay. Pag i.e sakin nung dr na lalaki na mataba kaya mataba din ang daliri ? ayun 3-4cms pa lang ako. Pero iaadmit na daw ako. So nilagyan ako ng swero and straight na kami sa O.R dun sa labor room. My kasabay ako, overnight na sya naglalabor jusko. Isip isip ko sana wag naman ganun. Kasi nasigaw sya pag nahilab ung tummy nya. Samantalang ako patawa tawa pa ako at nakikipaglokohan pa sa mga nurse. After 30 mins i.e uli ako and ganun pa din. Kaya nagadvice si ob na turukan na ng pampahilab 1x and 3x naman ung pampalambot ng cervix. So ayun, dun na nagsimula ang kalbaryo ?? Hindi na ako mapakali, pero nagawa ko pa tumayo para mag wiwi. Tapos walang pang 1hr ayan na talaga mapapap*tng*na ka talaga sa sakit. Tapos pinipigilan ko kasi nagtatawanan pa mga nurse dun nagbibiruan kame. Tapos mga 2hrs ayan na besh, naiiyak na talaga ako ng patago, tinatawag ko na ang mga santo at pinapagalitan nako ng mga nurse kasi bka napapabangon ako sa sakit mamsh. Ang sakit sakit. And sabe nila pag daw hunihilab inhale exhale lang. Pero ako talaga, iniire ko na talaga kasi ang gusto ko matapos na at iniisip ko kahit hindi na abutin ng OB ko kahit sya nalang mag gupit nung pusod hahahaha. Bulahaw na talaga ang O.r mamsh kasi hindi ko na mapigilan sumigaw, para akong binubugbog na humihingi ng tulong na walang nagrresponse at dnadaan daanan lang ako tapos ssbihin pa sakin kaya mo pa yan. Kasi sabe ko magpapainless ako, pero sabe nung isang nurse wag na daw mahal pa daw yun, kaya ko daw yan. So tiis talaga kahit feeling ko talaga mawawalan nako ng hininga ?? Tinawagan na ung aneasthesiologist kasi sabi ko dko na talaga kaya, few minutes pagsabog na talaga ng panubigan ko na feel na feel ko bigla dumating si OB. Nakasmile pa ang bruha. Sabe pa, ano na kyla? Diba gustong gusto mo na makita si baby. O ayan na konti nalang. Sabe ko dra ayan na lalabas na, lalabas na. Feel ko na talaga lalabas na iniire ko talaga para akong natae ng tubol mga mamsh. Ganun pala ung feeling. Prang sa pwet nalabas hindi sa pempem. Hahahah so pag I.e ni dra full na ako dali dali pagdala sa delivery room. Hindi na umabot ung anesthesia. Then kung ano ano pang mga rekotitas ginawa bago ako pairehin ng totoo. So ayun, talangang sigaw ako ng sigaw dun at natatawa pa si dra ako daw kasi pinaka maingay na pasyente nya at makulit. Alam niyo ung feeling na umiiyak ka pero wala ng luha? At ayun na mga 4 na push lang awa ng dyos nahila na batang pasaway. Dun na talaga tumulo ung luha ko. Sobrang sarap sa pakiramdam mamsh. Nanganak ako 5:36 so halos 4hrs ako nag active labor and cordcoil pla si baby pero in Gods grace healthy naman sya. Sobrang hirap, pero sobrang sarap sa pakiramdam. Hindi biro manganak talaga. And ngaun 3 week postpartum ako mga mamsh. Ramdam ko na mejo nahihirapan sila pati ang asawa ko kasi pag may naririnig ako na stressful bigla nlang ako nawawala sa sarili hndi ko mapigilan na umiyak at maisip magpakamatay. Yung anak ko lang ang nagiging lakas ko pag nakikita ko at paginaalagaan ko kahit na puyat pagod. Godbless sa mga new mommies. Goodluck

First time mom via NSD
107 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here momsh ☺️ FTM. Kakapanganak ko lang din nung sept 28. 1 week ago. Ganyan na ganyan pakiramdam ko nung nag labor at nanganak ako haha 4hrs din ako nag active labor pero nung umire ako walang sounds kasi nagagalit si OB. Close mouth lang daw tas ire. Ay juskuuuu. Puputok na mga ugat ko sa noo sa pag ire hahaha. And same, feeling ko nakakaramdam ako ng PPD 😔 I didn't expect na mararamdaman ko to kasi I really wanted to have a baby pero as day goes by, parang nagiging emotional ako. Huhug ko husband ko tas iiyak. Iiyak ng di alam dahilan. Tas iiyak ulit pag di mapatahan si baby. Nag aadjust pa as a Mother hehe. Saka nasanay siguro sa buhay prinsesa nung buntis pa. Hahaha. Swertehan na ngayon kung makatulog ng straight 4hrs. 🤣

Magbasa pa
5y ago

Yes sis ganyan nga. Mejo mahirap but thanks God mejo nakakaadjust na sa tulong ng family.

VIP Member

natawa ako sayo sis una sa sa nag ie sayo na malaki yung faliri hahaha pangalawa yung tubol hahahja ganyan na ganyan din ako noon sis sabi mag inhale exhale daw ako promise di ko talaga kinaya ang inhale exhale kaya umiire ako hahaha naipanganak ko baby ko sa bed lang ng ospital sa awa ng Diyos ligtas kami both ng anak kodahil di ko na talaga keri wala pa yung ob nanganak na ako kaya nagtahi na lang siya pagdating ko.anyway congrats po

Magbasa pa
VIP Member

1st time preg here mamsh .. ntatakot ako sa pnganganak kht 24weeks plng ako .. pero sa kwento mo mejo nabawasan ang pg worry ko lalo nung cnabi mo na ung feeling is pra ka lng ng poop at d mo ramdam sa pempem lumabas c baby .. hehe. Nkakatuwa naman. Congrats syo mamsh! Sana gnyan din ako manganak kgaya sayo .. yung prang walang takot ahaha 🤣

Magbasa pa
5y ago

Talaga hehe .. congrats ulit mamsh!!

same momsh, ganyan na ganyan ako sa Labor room ako lang maingay umiiyak ng walang luha ire ng ire kada hilab feeling ko kasi medyo narerelieve yung pain pag umiire ako 5hrs active labor ako my gaadd sakit kaya😭 congrats to u po

😂😂😂ganyan dn aq nung 1st tym q manganak😂😂😂, di q tlaga maintndihn kung anung ga2wn q kung iiyak ba aq o si2gaw at mgmu2ra😝😝😝, pro once na lumabs c baby worth it lahat

Hahaha natawa ako sa kwento mo momsh am proud of your bravery naraus kna Kay baby sana gumaling kana saka sikapin mong maging masaya at positive sa lahat ng bagay ng cute ng baby mo 😍😍

Congrats po! I feel you sa maingay na pag ire. Hahaha. Tapos natawa pako sa natangang asawa mo ng byenan mo.. 😂 naalala ko din partner ko nun sa frstborn namin.

Congrats mamsh! Ang ganda ganda ni baby! ❤ kapit lang mamsh, pray ka lang lagi, kaya mo yan,para kay baby, sa family mo, kailangan ka nila! Laban! 💕

VIP Member

Aw, congrats mommy! 💖 Sobrang laughtrip ako sa story mo 🤣 pero kabado bente na rin ako due ko na this Oct. 26 huhu all is well 🙏🏻💖

VIP Member

Congrats! ❤️❤️ natawa ako sa bruha na OB 😅 atleast sayu sia tapos na kmi papunta plang sa ganyang situation😄 super cute ni baby!