Thank God nakaraos na kami ni baby

I just wanna share my expirience :)) EDD: Oct. 22, 2019 Gave Birth: Oct. 19, 2019 39 weeks na ko nun mga mamsh pero no sign of labor talaga kaya nung Oct. 17 ng hapon nag lakad lakad kami ng LIP ko mga 30mins. then pag uwi nung bago kami matulog nag squat naman ako at bago matulog din nag lagay ako ng tatlong eveprimrose sa pwerta tsaka uminom ng isa pang eveprimrose, then maya maya nakaramdam ako ng sakit sa puson pero tolerable pero parang di na ko mapakali at yun na nga tinulog ko na lang. mga bandang 1am onwards para na kong dinedisminoriya di ako nakatulog ng maayos. kina-umagahan check up ko sa hospital Oct. 18 nung pag IE saken 2cm na daw ako so pinag NST yata tawag dun haha basta yun and ultrasound asap daw tapos balik ko daw agad sa kanila mga 3pm nabalik ko na yung ultrasound sa kanila then inadvice nung ob na iadmit na ko jusko kaloka di ako prepared nun kasi kala ko talaga check up lang so umuwi kami saglit para kunin mga gamit, bumalik kami ng 7pm sa hospital pag IE saken 3cm na inadmit na ko tuloy tuloy na yun hanggang sa pag labor, tinanong ako ni ob kung mag papa-painless ako sabi ko pag kaya ko po hindi na so stanby lang si epidural kung sakali, 5cm kaya pa 6cm kaya pa hanggang sa 7cm pataas para na kong sinasapian sa sakit, nanginginig na buong katawan ko diko na alam gagawin kong pwesto hahah, hanggang sabi ko sa ob ko tusukan na ko ng painless mga 2am nila ko tinurukan sa buto nung painless, hanggang sa medyo nakakaidlip ako pero every 5mins nagigising ako para akong nag dedelihiryo sa saket ramdam pa din, pero malaking tulong na rin sya nag ease yung pain, mga 4am pinutok na panubigan ko, sila na nag putok, then mga 5:30 pinunta na ko sa delivery room sobrang hinang hina na ko tska tuyong tuyo, irihan time na Go push kahit hinang hina na, kada push ko bumabalik lang si baby sa loob hahha langya kaya yung isang nurse dun dinaganan na tyan ko jusko ! ang sakit ! puro pasa tuloy tyan ko pero salamat sa kanya sobrang laking tulong 5:57 am baby's out ! awa ng Diyos ! Worth it lahat makita ko anak ko :')) kayang kaya ko ibuwis buhay ko para sa kanya nung nakita ko na sya :')) So ayun mga mamsh, wag kalimutan mag pray, buong pag le-labor ko nag dadasal ako

Thank God nakaraos na kami ni baby
157 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy almost same tayo ng experience, hindi lang ako nagpa epidural. Ganyan din kala ko checkup ko lang nung ni iE ako 3 to 4cm na daw pa admit na daw ako. Yikes di pa ako ready 38 weeks pero expect ko mga next week pa di ko pa nalabhan mga damit ni baby hahaha. Then 3 hours ako naglabor tapos ayaw din lumabas ni baby dinaganan din tyan ko, gang ngayon parang may pasa pasa pa din haha. Finally nailabas na din si baby. Nawala din lahat ng pananakit at pagod ko nung nakita ko na siya haha. Hay sarap sa feeling pag nakita mo na ang baby mo, lahat titiisin mo. October 19 din lumabas si baby same sila ng baby mo. Congrats mommy

Magbasa pa

Congratulations! ๐Ÿ˜Š Achievement talaga ang manganak hindi mo alam pano mo nakaya ang sakit, pagod, gutom lahat na after pero worth it naman๐Ÿ˜Š parang feeling mo after ikaw na ang pinaka strong na nilalang kasi nakayanan mo lahat at buhay ka and safe si baby nailabas. Haha proud moment โค๏ธ

Thank u for sharing your experience momsh! Im on my 37th na din, medyo mataas pa kaya lakad lakad na din para sana madali lang ilabas. My worry is im 36, and 1st baby ko kaya praying na walang komplikasyon. sabi ng OB ko kung hindi ako mag ha hypertension go lang ako sa normal. So happy for you!

5y ago

para saken po mas effective ang pag squat kesa sa lakad kase nung saken mataas din po tyan ko nun kahit lagi ako nag lalakad

Congrats po. Ako din tinulungan ng nurse ilabas si baby. Hahaha. Konti kasi ung kain ko nung araw na un kasi kala ko false alarm lang un pala pagdating sa ER 6-7cm na ako. Wala tuloy akong kalakas lakas umiri. Lol.

Hi mamshie. Ask ko lang nung pag IE sayo at nag 2cm ka na, may sign ba na manganganak ka na? Like spotting mga ganun. Ako kase 1week ng 1cm still wala pang sign na manganganak na ako :(

5y ago

Everose ang akin. Pero wala instruction na ipasok sa pwerta. Puro oral lang. Sge mamshie thank you for sharing your experience. Lapit na kase due date ko. Nakakatakot lang kase wala pang sign ng panganganak.

Congrats sis.. I feel you. Sobrang hirap tlga ng normal pero worth it lhat ng sakit.. Habang nag babasa ako prang nraramdamn ko ulit ung pain na pinag daanan ko nunh oct. 17 ๐Ÿ˜…

5y ago

hahha grabe expirience noh? ๐Ÿ˜‚

Parehas tayo mommy oct 19 ko din pinanganak yung baby boy ko. Yung akin din dinadaganan and pinupush ng nurse hehe mahirap pero worth it. By the way congrats mommy๐Ÿ˜Š

Hi sis congrats po. Pano niyo po nilagay ang primrose oil sa pwerta niyo ? Directly using finger ? Sorry first time mom here. 38 weeks and 3 days still no sign of labor.

5y ago

Thank you sis

VIP Member

Tumulo luha habang binabasa kwento m mommy ... Ganun pla tlga nararamdaman ng iba paq manganganak .. Tnx god po at lumabas n c baby .. Congrats po ..

EDD ko din October 22 pero wala pa rin akong nararamdaman na sakit miski discharge na may blood stain wala pa din. Ano po kaya magandang gawin ?

5y ago

Nagtry ako mag squat katulad yung sa YouTube grabe sakit ng mga muscles ko.