Finally! ❤️

I just wanna share my experience to you momshies! EDD: December 21, 2019 DOB : December 18, 2019 at 8:43 AM via NSD Weight: 6.4 lbs 39 weeks and 4 days Baby boy, Fidan Eera David ? Mejo mahaba, sorry na ? December 17 bago ako natulog nagpray muna ako kay God na sana manganak nako at kinausap ko pa si baby na wag ako pahirapan na ilabas sya. Ako lang mag isa sa bed kasi nasa work yung LIP ko dahil sa call center sya ngtatrabaho at night shift sya. Fast forward, pasado alas singko ng umaga habang ang sarap ng tulog ko, biglang may parang pumutok sa pwerta ko at nagising ako kasunod nun may biglang tumulo parang gripo na diredirecho hindi ko makontrol. Alam ko sa isip ko na panubigan ko na yun pero relax lang ako, di muna ko agad tumayo kase nagtataka ko dahil wala kong pain na nararamdaman. Pinakikiramdaman ko ung tummy ko at si baby, mukang ok naman kaya after ilang minutes, tumayo nako then tinawagan ko ung OB ko thru messenger. Nag email narin ako sa LIP ko then naligo pero katawan lng. 5:30 AM nakadating na kami ng hospital at direcho ER ako. Mga 6am inIE ako at nasa 5cm na daw ako. Nagulat ako kasi ang bilis at wala parin akong pain na nararamdaman. 7am dinala nako sa delivery room at IE ulit ako at 6cm nako, nka NST din ako para mamonitor ung contraction pati si baby kaso masyado mabagal at ang layo ng interval, 10 minutes daw. 8am sinabi ng OB ko na induce na daw ako, tinurukan na din ako ng pampanipis ng cervix. Mga 8:30 ramdam ko na ung sakit as in sobrang sakit na ng puson ko parang lalabas na si baby. IE ulit at nasa 8cm na, nung humilab ung tyan ko sinabayan ko ng ire pero di pa lumabas si baby, tas nung humilab ulit sabi ng ob andyan na ung ulo kaya umiri ako ng matagal tinulungan na din ako ng isang nurse dinaganan ung tyan ko para dredrecho na lumabas si baby. At ayun na nga, ang sarap sa pakiramdam nung lumabas na si baby. Groggy nako nun kase nakatwilight ako, kya nkatulog na din ako after. Pero bago ako nkatulog, narinig ko pa yung iyak ng baby ko. Paggising ko, nagpasalamat ako agad kay Lord dahil hindi ako nahirapan ilabas si baby. At syempre, thank God dahil safe delivery at healthy si baby. Yun lamang po. Thank you sa pagbasa ?

Finally! ❤️
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Congrats po mommy..

5y ago

Comgrats mommy❤❤❤