Muslim din ako (pinay) at malaking kasalanan sa Islam ang pakikipagrelasyon at makikipagtalik na labas sa kasal. Lalo pa ganyan at nakabuntis.
Hindi ko nilalahat pero masasabi kong, maraming foreigner na muslim ang pasaway, dito pa lang sa manila naku akala mo mga nakawala sa hawla. Pasensya na sa sasabihin ko pero feeling ko nabiktima ka, although hindi questionable yung love niyo pero para sakin walang seriousness kung walang kasal, lalo na sa muslim, napaka-importante ng kasal sa Islam.
Sa isang side ng family ko mga catholic at masasabi may pagkakaiba talaga sa kultura at policy ng dalawa.
Sa katoliko, nuon - kapag nakabuntis pinakakasal or kung sa ngayon atleast man lang panagutan at sustentuhan. Pero sa Islam ang lalaking nakabuntis ng labas sa kasal wala siyang karapatan at pananagutan sa bata, IKAW lang ang may karapatan at pananagutan sa anak mo.
Pero kung gusto mo maghabol, para sa anak mo, nasayo na yun. Pero wag kang umasa, lalo pa at nasa ibang bansa yung lalaki.
Mag focus ka na lang sa pagbubuntis mo, maging healthy kayo, mahirap pinagdadaan mo dahil yung hormones ng buntis nakaka-trigger pa lalo sa heartache at depression, kaya magpakatatag ka. Hanap ka ng maayos na support system. Hanap ka ng hobby or activity, kahit simplemg gawaing bahay para hindi ka masyadong mag isip.
Yung anak mo sayo lang yan, yan ang magiging kaligayahan mo. Sana maging okay kayo at masaya ng baby mo.
Magbasa pa
Mixed bun in the oven