104 Replies

Hi sana ma pansin po. Edd via Lmp Sept 22, 2020 (Dec 17, 2019) Edd via Trans V Oct 17, 2020 Edd via Pelvic Oct 9, 2020 Edd via Bps Sept 25, 2020 Medyo mahaba po kasi. DEC 17, 2020 unang araw po na dinatnan ako. Natapos sya ng DEC 23, 2020. January 17, 2020 hindi po ako niregla, Jan 23 nag try po ako mag PT pero negative ang result. Kaya inisip ko baka na delay lng ng days kasi hindi pa nmn tapos ang January. Gnun po ksi minsan regla ko, minsan delay ng days. Pero monthly po ako nagkakaron. JAN 25, 2020 nag sex kami ng Lip ko, and sa loob nya po pinutok. Withdrawal po talaga kami. Kaya waiting po ako ulit magkaron gang katapusan ng January. Expect ko pa mgkkaron nako kasi sumasakit na puson ko. Nag Feb na pero wala padin, Feb 13 2020 nag decide na ko mag PT ulit. POSITIVE sya, Feb 18 first trans V ko po para Maka sure na din. Wala pa nakitang baby kaya nasa 5 weeks pa lng daw si baby. Sinabi ko ksi sa unang OB na tumingin sakin yung scenario na Lmp ko. Niresetahan nya ako agad nung pampakapit at vitamins. My history kasi ako miscarriage. March 14 nag pa 2nd Trans V ako sa ibang doctor na kasi mag lockdown na at ndi na pwede ung OB na unang tumingin sakin. Sa 2nd Trans V ko my nakita nang baby, 9 weeks na dw si baby. At yun nga nagsabi din ako sa doctor ng scenario ng Lmp ko. Kaya sabi nya Oct 17, 2020 ang due date ko daw. Bigla kasi ako na paranoid sa mga ibang mommies na nakausap ko, dapat ko dw sundin Lmp ko which is sept 22 2020 kung babasihan eh nsa 41 weeks na ako ngayon. Pero kung susundin ko padin ung sinabi ni doc sakin Oct 17 2020 nasa 37 weeks pa lng ako. Nung nag sept po naging waiting ako agad, na stress ako bat wala pa ko discharge. Puro sakit ng balakang, puson at tyan lang. Sept 28 dun pa lng ako nagkaron sunod sunod ng white discharge. Ngayon week pa lng tumatagal ng ilang mins ung pain ng balakang ko. #advicepls #1stimemom #pregnancy

Thank you so much po sa pag sagot. 💕😊

Hi po! Medyo mahaba po tong tanung ko.. Sana po mapansin nyo.. Maraming salamay po Lmp: march 18 Spotting: may 4,5,6 Check up sa ob: may 15 walang nakitang baby kaya pinainom agad ako ng pam padugo May 28 to may 30 ng tanghali dinugo po ako medyo malakas peru walang buo2ng nakita.. So pag ka june po balik diet na naman po ako LCIF po ginagawa ko.. Me pcos nga po pala ako.. Tas nagulat na lang po ako june me nararamdaman akong na vibrate sa taas ng pempem ko, so di ko na lang po pinansin hanggang sa july wala pa din ako mens tas nkakaramdam na po ako na parang me natigas sa kaliwang part ng tummy ko after manigas parang binabanat na feeling.. Tas madalas po nakakaramdam ako ng bula sa puson na parang nag puputukan.. Parang tunog po ng tyan na nagugutom.. Madalas magutom.. Tas nung june july po nasakit lagi puson ko.. Ngaun po kung susundin ko lmp ko mag 7 mos na po ako sa 18..peru bakit po hanggang ngaun anlambot pa din po ng tyan ko.. Wala pa po akong sipa na nararamdaman.. Di pa po ako nakapag pa uts.. Sa tinggin nyo po june dapat umpisa ng bilang ko oh dapat po kasama bilang ng april.. Nag spotting lang po ako ng may 456 at may 28 to 30 ng tanghali.. Chubby po ako 77 po kl ko.. Baka dahilan po ba un kaya wala pa akong makaba na bukol.. Sana po matulungan nyo ako...

Better na magpa ultrasound po kayo mam.

Hello po sana mapansin niyo to. My partner and I sex last December 4, 2021. Hindi naman siya nag-ejaculate sa loob ko. After 1 day nagkaroon ako ng menstruation. Makalipas ang isang buwan, ineexpect ko na magkakaroon ako by January 4, 2022 or kung delayed man hanggang January 7, 2022 kase ganon ako kapag nagkakaroon, irregular. Uminom ako ng buko ng January 6. Nakapagsex ulit kami by January 8 and sure naman ako na hindi nag-eejaculate sa loob ko kase takot kaming mabuntis ako. Expected ko na magkakaroon na ako kinabukasan kase merong slight na dugo nung nagsex kami pero hanggang ngayon hindi pa rin ako dinadatnan. Kapag pala umiinom ako ng buko before magkaroon natigil kung rereglahin man ako kase ganon yung nangyare sakin dati. Naulit ulit yung pag-inom ko ng buko nong January 9. Wala naman akong signs of pregnancy like nagsusuka, nahihilo at mapili sa pagkain. Normal pa rin naman. Buntis po ba ako? Need ko na po bang mag-PT?

Hi po good morning po Bali nakalimot ako ng 3days sa Althea pills ko then May nangyari pa samin ni hubby ko then kinabukasan dec 26 2021 nagspotting ako kaso tong hubby ko ginamit nanaman ako then dec 27 lumakas na ung regla ko hanggang dec 30 mayroon pa natapos na sya ng gabi ng dec 30 kaya every May mangyayari samen ulet nga wiwithdrawal nalang kame then nung january 8 nagspotting ako di ko pinansin kase iniisip ko pahabol days Lang then last 2 days ago napapansin ko lumalaki boobs ko pero kanan Lang then both masakit lalo na nipples ko then napapansin ko sa sarili ko na lagi ko hinahanap hanap hubby ko lagi ako naka antay sa pinto namen tuwing 5 pm para lang salubungin sya , then inaantok ako lagi at pakiramdam ko pagod tapos pakiramdam ko May lagnat ako ano po kaya ito ?

Ask ko lang po 3weeks pa lang baby ko at napapansin ko po minsan kapag bumabahing siya may kasamang konting tubig nalabas sa ilong niya iniisip ko baka may sipon siya sa loob tas minsan po kapag humihinga siya tumutunog yung paghinga niya na parang may plema po sa lalamunan niya parang tunog ng sa pusa. pag lulungad rin po siya ng madami malagkit po yung lumalabas na gatas na parang sipon. sabi ng mga tao dito normal lang daw po yun sa baby naglalabas lang daw po ng dumi sa katawan at baka sa gatas lang daw na nakabara pero nag aalala pa rin ako baka kasi may plema talaga siya at mahirap na mapabayaan baka lumala. first time mom po ako salamat po.

Hi sis. Sana masagot mo tanong ko. Kahapon po kase nagpacheck up ako sa ob ko and 2cm na daw ako tapos bandang hapon may blood discharge na parang jelly lumabas sakin ang sabe ng ob ko monitor ko daw hilab ng tiyan ko kaso wala naman po ako nararamdaman. Tapos kanina din pong hapon lang may lumabas ulet sakin na same kahapon na jelly blood discharge pero no pain pa din nagpatingin ako sa lying in and then 2cm pa din daw ako niresetahan ako ng evening primrose thrice a day ko daw inumin okay lang po ba na uminom na ko ng EPO ng walang consent ng ob ko? I'm 38 weeks preggy po btw. Sana mapansin niyo po. Thank you so much in advance. Godbless you po. 😇

Antay lang mami lalabas din yan kausapin nyo din po. wag po kayo uminom ng walang consent ng OB it can harm your baby pag nag self medicate po tayo.

hi ma'am placenta previa Po Kasi aq 33 weeks pregnant na Po ko .. Nung last Dec. 2 Po UNG last ultrasound ko at same parin Po result placenta previa Parin po..next check up ko Po is dec 17 kaso Po dna po a aq nakabalik .. gawi nga po sa bagyong odete na naapektuhan Po kami ,kea Dec 27 na po aq Nakabalik ulit para sa check up pero d na Po nia ko Inultrasound heartbeat lang Po tinignan Nia na ok nman Po ,.nagtaka Po ko bka Kako ok na placenta ko ..last check up ko nitong jan. 12 d Nia Po ulit aq in ultrasound ..heartbeat lang Po ulit tinignan Nia . possible po ba na ok na placenta ko kea lgi heartbet nalang tinitignan nia ..?

Hello po .. 30weeks and 3 days preggy. Ask ko lng po kung iikot pa po ba si baby breech position po kasi xia nagpaultrasound po ako nung Sept 28 po. Tsaka ung uti ko po since 4mons po si baby di na po nawala pinagtake na po ako ng antibiotic , and 3 liters aday na water , no sexual contact din po, fresh buko juice every morning po and 3-4 times po magpalit ng panty araw araw sabay hugas po ng pempem .. Bakit po kaya ganon mataas pa din po pus cells ko .. Iwas din po ako sa matatamis at maalat .. Stress na po ako kakaisip kung panu xia mawala takot po ako maapektohan si baby .. 1st time mom po.. Salamat sa sagot

magpapaculture plng po ako maam..

Possible po ba na magkamali sa gender ang ultra sound? gusto ko lang po makasigurado kasi i had 3kids na all boys at preggy po ako ngayon for 26weeks na po.. kahapon po ultrasound ko and naexcite/nagulat at di talaga ako makapaniwala na finally naka baby girl na ako although hanggang ngayon po nag doubt pa din po ako kasi baka paasa lang ung ultrasound though nagconggratulate sa akin ung nag ultra sound sa akin kahapon.. dami kasi nagsasabi na tao sa paligid ko na boy daw ulit to kasi patulis daw ang tyan ko😒 pero praying na babae na talaga sana..🙏

Im 39 weeks and 2 days na po. 2 times pa lang po ako na ie, and last time na ie sa akin e malambot na daw cervix ko kaya continued po ako sa pagtake ng evening primrose. Kinagabihan po ng pag ie sa akin, may brown discharge po ako then halos araw araw na po pananakit ng puson ko, minsan balakang, may pagkirot sa ari ko na akala mo anytime lalabas na sa sobrang bigat. Possible po kaya na may cm na ako? or malampit na manganak? ilang araw na rin po akong nilalabasan ng clear jelly. Sana po masagot nyo. Salamat po.

feeling ko ngayong araw mamsh kasi sabi active labor na daw po ako. 3 -5 minutes interval ng sakit, and kakaihi ko lang now may brown sticky discharge na naman po ako. Tinawagan ko midwife na magpapaanak sa akin, sabi pag every seconds na daw po yung sakit, go na daw ako.

Trending na Tanong

Related Articles