ipon

I need your opinion mga mommies. Meron kasi ako tinagong pera nakalaan sya sa pang opera ko Masama ba na naglihim ako sa LIP ko na may pera ako? Yun pera na tinago ko pandagdag sana un if kulang un hmo ko sa pang opera ko need na kasi na tangalin un stent na nakalagay sa right kidney ko. during pregnancy nagkaskit ako kaya naoperahn ako. Yun nga po kaya ako nagtago ng pera kasi alam ko hnd nmn nya ko bibigyan pandagdag (dati kasi naconfine ako ni singkong duling hnd sya nag abot kahit nagmakaawa ako ) buti nalan meron ako kaptid na tumulong akin. Pinagtakpan ko nga sya sa mga kaptid ko para hnd sila magalit sa knya (tanga ko) ngayon po nagttaka sya bat nakakbili ako ng needs ni baby sinbe ko meron ako pera ero hnd ko sinbe exact amount ayoko kasi na baka umasa sya doon (nahihiya ako manghingi ng pera sa knya kasi minsan nanhingi ako naoffend lan ako sa sinbe nya) ngayom nagagastos ko un ipon ko para sa needs ni baby kasi ayoko masumbatan na wala ambag . (may work ako pero naka maternity leave)Ngayon tinanong nya ko baka kumkuha ako ng pera sa wallet nya tpos bumaba yun mama nya sinbe nya sa mama nya baka kumukuha ako ng pera kya itago nya maigi un pera at alahas baka nakawi ko daw .naooffend ako pero hnd naln ako nagsalita kahit ppabiro pero alam ko may laman yun maskit lan isipin ganun kababw tingin nya skin buti nalan un mama nya alam may pera talga ako. Hnd kasi ako naglihim sa mama nya sinbe ko meron ako pera na tinago for emergency purposes and mama nya rin nag advise na wag ko na sbhn kay LIP mas mabuti meron sariling pera kasi alam nya ugali ng anak nya. (dagdag ko lan nakay LIP atm ko 23k laman ayaw nya hawakn ko magastos daw ako paano ako magastos halos wala nga ko nabibili kahit gusto ko bumili ng personal hygiene lahat meron tanong. Hihingi ako ng pera para pambili may sasbhn muna skin samntla sya magastos sa pera nya hnd kolan pinpakealamnan kasi pera nya un hindi nya ko binibgyan ng pera kungbibigyan nya ko kelangan nakalista at may resibo. Kaya mga mommy iba talga pag may sariling pera ka.. sorry kung medyo mahaba.

34 Replies

Ganyn din ako ngaun sis ako ksi nagwowork samin dlwa d nya alm nkakapag tabi tabi ako ksi mas mgnda ung mahugot pg emergency kso ung tabi ko nagagalaw ko n ngaung pandemic ako bumibili ng laht ng needs ni baby makokompleto ko na nga tpos ung mga hulugan ko tulad sa sss ko ako din ung pang gastos nmin s bahy araw araw wla nmn kmi work pareho no income ksi dti pinagwowork ko sya kso d pwede pinagaaral ksi sya ng magulang nya pra mas mgnda dw future namin ngaun nbuntis ako stop din ako s worl snbhan ko sya n magwork ksi d ko na kaya kso ngkataon na ngka virus d mkapagwork sya nxt month ktapusan pwede n ko mngank wla p din kmi tabi pti upa s bhay bills ako laht namomoblema kya naubos n ung ipon ko n dpt ilalagy ko s banko ng anak ko n panganay pra if ever may mnyre may pera sya kso ayun n nga ubos na d ko kc nakikitaan ng effort c lip kht wla n kmi mkaen kht snsbi ko na wla n kmi pera o pmbayad s bhay wla lng d ko alam wla sya diskarte s buhay d tulad ko ngaun bayran nnmn ng ilng bwan n wla bayad ksi crisis naningil n ung mayari ng bahay sn ako kukuha wla n ko mabbgay wla n ubos na ipon ko 😞

anu bayan, asawa kana nya talaga? . panget sis ung ganyan. kung ayaw nya nahihingan. since may work ka namn .. mag share kayu monthly sa savings . mag usap kau kung magkano ibibigay nyu monthly savings nyu (mandatory) example 10k monthly kada isa sa inyu ayun ung gagamitin nyu as family. aside dun ung mga excess na sahod nyu ayun ung para sa sarili nyu bilin ang gusto nyung bilin, ipunin nyu as personal savings. para win win kayu pareho sis.. ganto gawain namen ng lip ko sis. kahit wala kame baby.. may joint account (and account)kame (for future)then may personal savings din kame pareho. best to for me sis.. hinde ako nanghihingi ng pera sa kanya at ganun din xa saken.. pero pag may need sa bahay like grocery, bills lahat ng hinde pang personal hati dapat kame mandatory un ..at least wala kame away at samaan ng loob sa pera.. sana makatulong napaka hirap ng nanghihingi kasi😢 madalas sasama lang loob naten.

VIP Member

Kung ganyan din naman pala LIP mo edi mas mabuti na itago mo sa kanya na may ipon ka. In my opinion, hindi talaga healthy yung relationship niyo kasi sa pag bili palang ng personal hygiene mo kinukwestyon na nya eh, at kailangan pa nakalista at may resibo. Grabe naman atang pagdududa yan. 😅 If I were you momsh, kukunin ko yung atm ko. Feeling ko din naman siguro alam mo mag manage ng pera mo, kaya bakit nya hawak? And if ever na ikasal kayo, sa tingin ko kailangan niyo muna mag seek ng guidance from a marriage counselor, walang masama sa paghingi ng advice and guidance from them. Isipin mo momsh na kapag ganyan sya ngayon, what more if lumabas na si baby. Pero swerte ka pa din kasi mabait nanay ni LIP mo. On a positive note, I hope magbago ang ugali ni LIP mo, better na ugali. Fighting momsh. ♥

dapat po open kayo sa isat isa lalo na pag dating sa pera. mahirap po kasi kapag yan ang pinagsimulan ng away magkakasakitan pa kayo nyan. usap po kayo kung pano dapat ang set up nyo sa pera at sa mga gastusin. Share ko lang... kami maghubby very open kami pagdating sa income ng bawat isa as in.. anything na bibilhin ng bawat isa sinasabi namin sa isat isa pra transparent. Ako po ang nagbabudget para sa lahat pero pinapakita ko sa hubby ko kung saan saan ko inalocate ang pera para at least alam nya. May time naman na lihim syang nagsesave ng pera tru paluwagan, same thing with me (own savings) pero katagalan sinusurprise na lang namin ang isat isa na nagsisave pala kami.

sbi sa counseling na pinuntahan nmin ng partner ko pra sana sa kasal nmin , wag dw dpat papayag na wlang maibigay na pera ung mga asawa nten . dpat dw tayong mga babae tayo ung humahawak ng pera . pero sa case niyo po prang ayw bitawan ng partner niyo ung pera nya . At bkit po sya pa ung may hawak ng atm mo? Sbi mo nga po ayw mong mkialam sa pera nya , ee bkit sya pinapakialaman nya ung pera mo? sna po maayos niyo yan, hndi po healthy sa isang relationship kpag pera ung dhilan . lalo na po at magkaka baby na kayo .

Buti LIP mo pa lang.. pwede ka magtago ng pera sa kanya.. blessed ka prin kasi pag asawa mo na yan morally, bawal na maglihim kasi conjugal na yang pera na tinago mo. Pag nalaman kasi niya yan baka kunin niya sayo yan o pagbintangan ka pa na ninakaw mo yan sa kanya o sa nanay niya. Ilihim mo na lang yan or better yet, be ready na iwanan na yan pag di siya nagbago. Mahirap kapag madamot ang karelasyon. Mag aaway at mag aaway kayo sa pera.

VIP Member

Hindi ko aasawahin yung ganyang klase ng partner. Sorry mommy, pero parang ngayon pa lang may trust issue na sya sayo the mere fact na dapat sya ang pinakanagproprovide ng needs mo lalot buntis ka. Good thing may work ka, meaning may sarili kang pera. If i were you, continue mo lang na magtago ng pera para sainyo ni baby in case of emergency. There's nothing wrong na maglihim sa partner mo kung ganyan naman sya.

Nako hiwalayan mobna yan.. paka yabang maybtrabaho ka namanbdinbpala eh.. saka ung atm mo kunin mo wala syangvpaki alam khit maging magastos ka eh pera mo un dapat nga pera nya pa ung ginagastos mo kaso dnga sya nagbibigay kc ang sama ng ugali nya.. wag kanag paka tanga jan sis.. yang perang tinatabi mo wag muna sabihin sa kanaya wala syang karapatan jan since d naman sya nag aabot sau sama ng ugali nya..

ung mga ganitong paguugali ng lalaki hinde na dapat tinatagalan pa... Goodthing LIP palang kayo kaya makakawala kapa sa ganyang pagsasama. Kniw your Worth po huwag mo hayaan na ganyan ka tratohin ng magiging asawa mo! hinde ko alam paano ediscribe ang pagkatao ng LIP mo pero bakit nanatili ka sa ganyang klaseng lalaki? anong saysay na completo nga kayo may ama anak mo pero misserably naman ang buhay mo!

grabe naman po yan mommy to think na live in pa lang kayo di pa kayo kasal..how much more kung kasal na kayo..pag isipan nyo pong mabuti yan..tutal may work naman pala kayo sarili nyong pera di nyo mahawakan..dapat nasayo ang atm mo..kase sayo yan at pinaghirapan nyo yan..ang hirap kumibo ng bawat kibo mo binabantayn ka na parang magnanakw..goodluck po think po kayong mabuti..godbless po mommy

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles