βœ•

Wag Nyo ilaglag Anak Nyo.

I have a paternal issue sa baby ko. Malaking puzzle pa din sakin kung sino ang nakabuntis sa akin. Bigat na bigat na loob ko, pero for nine months kailangan kong pigilan yung stress dahil hindi nalang yung sarili ko ang kailangan kong alagaan, meron na akong anak na nakarely yung health sa akin. Pwede kong tapusin yung problema ko by killing my baby, para hindi na tumagal pa yung pagsisinungaling ko sa taong pakakasalan ko na, para matapos na problema ko or aminin ko nalang kahit magkanda leche leche na. Pero wala sa dalawa yung ginawa ko. Una sa lahat, hindi ako papatay ng bata na isang araw tatawag sa aking "Mommy". At kung bakit hindi pa ako umamin, dahil takot ako. Takot na takot ako mawala sya ,dahil paano sa huli sya tlaga yung daddy. Ayokong sirain pa lalo yung chance na makabawi ako at maayos ko to. Hindi ko inisip na aabot ako sa point na ganito sa buhay ko, kung nagisip sana ako ng tama, kung nagcontrol ako sa lust, kung nakinig ako sa sarili ko nung sinabi ko na "Tama na" wala akong problema na ganito. Wala akong masasaktan na taong mahal ko at mahal ako. Wala akong confusion. Hindi ako majjudge. Pero andito na ako sa point na either makakahinga ako pag naconfirm kong yung mahal ko ang tatay or manlalambot ako habang papanuorin ko na lahat love at respeto nya sakin mawawala kapag hindi sya. Pero kakayanin ko, kasi yun yung dapat. Lahat ng judgement , yung future na gulo na gagawin ko in case hindi sa lalaking mahal ko yung baby ko. Kakayanin ko, Kasi kasalanan ko. Mga mommy na may intention mag pa abort, Kahit anong katangahan , kabobohan , ano mang reason na nag lead sa atin sa unwanted pregnancy, WAG SANA nating saktan yung mga anak natin. Kung makakapagsalita sila ang sakit sakit siguro pakinggan na marinig "Mommy, wag mo akong patayin". Lahat ng ginawa natin na may control naman tayo, pero hinayaan nating mangyari, kasalanan natin. Pwede tayo umayaw, humindi na makipagsex dahil may mahal na tayo, pero pinili natin bumigay. Pwede tayo umayaw ,humindi na maging kabit, pero pinili nating um-oo. Meron tayong choice sa mga bagay na may control tayo, pero yung bata sa womb natin WALA pang magawa para sabihin na buhayin sya at wag gawing kapalit para makatakas sa gulo na pinasok natin. Magdasal tayo. Ngayon, yun lang muna ang pwede natin gawin, MAGDASAL. Pag labas ng mga anak natin, duon tayo gagawa ng malaking move para magbago. This doesn't make me a better person than anyone, dahil malaki ang kasalanan ko. Pero I am hoping na magkaroon yung iba ng ibang perspective. Nagkamali na tayo. Wag na natin gawan ng excuse or ijustify yung irresponsibility ng action natin. Wag na tayo gumawa ng mas malaking pagkakamali.

40 Replies

Same na same tayo ng pinagdaanan mam, nagkamali din ako at pinagisipan ko din kung sino ba tatay ng baby ko nung buntis ako. Inamin ko sa totoong karelasyon ko at ngayon asawa ko na siya, sinabi ko lahat kahit ano pa mangyari at sabi ko hiwalayan niya nalang ako kasi natatakot akong hindi pala sakanya pero blessed ako kasi naniniwala siyang kanya yung baby at kung hindi man tatanggapin niya kasi mahal niya daw ko. Mas nakakapagsisi pa kasi nalaman kong buntis pala ako kung kelan nagusap na kaming magsimula ulit at sinabi ko sa sarili ko na bagong buhay na namin to. Tapos nuon ndi ko malaman kanino yung baby ko kaya lalo ako naistress, naisip ko pano kung ipalaglag ko yung baby, pero hindi ko kaya at di ko yun magagawa. Siguro dala ng anxiety kaya nakakaisip tayo ng hindi maganda at kahit naisip lang pinagsisihan, pinagdasal at hiningi ko ng tawad yun. Lagi lang ako nagdadasal about sa sitwasyon, at sobrang pasasalamat ko kay Lord kasi ngayon panatag na ko tapos kamukha ng asawa ko ung baby nung lumabas. Narealize ko lang na di lang pala ako naranas at nakaramdam ng ganito at may mga taong makaka intindi padin satin at di tayo huhugasan kahit nagkamali tayo kaya gusto ko lang sabihin na keep fighting sayo mam at sa iba pang tulad natin na nammroblema habang buntis.

Kelan mo inamin mommy , habang buntis ka or nung nanganak ka na? Ano naging reaction nya? Ang sarap siguro huminga mommy nung tinanggap ka nya uli.

I must say na hindi mo talaga mahal ang asawa mo. Siguro hindi mo lang sya maiwan for some reason but it's not love. Kapag mahal mo ang isang tao, you are blind. Hindi mo na makikita ang ibang lalake. Imagine magkasunod kang nakikipag sex sa dalawang lalake? You are not committed. Well ayoko magsabi ng masama sayo dahil mabuti ka paring ina dahil mahal mo ang bata sa tyan mo. Ang masasabi ko lang. Have the courage na aminin yan sa asawa mo. Sobra na yung pinag mukha mo syang tanga at iputan sa ulo ng sobrang tagal tapos ngayon mo lang na feel yung regrets dahil buntis kana. At kung mahal ka nya mag sstay sya sayo. Totoo yan. Ang pagmamahal nakakabulag. Kahit ginawan mo sya ng kagaguhan tatanggapin ka parin nya. Please wag mo na dagdagan kasalanan mo. At sana wag mo na ulitin yan.

Totoo po yung sinabi nyo. Siguro dumating ako sa point na knwestyon ko yung love ko for him. At tama din po kayo na may reason ako bat di ko pa kayang aminin ngayon, emotionally weak po ang boyfriend ko. Pag nakkpgpahiwalay po ako, nag ssuicide threats sya, at sa sobrang laki ng kasalanan ko now, baka pag umamin ako sa bagay na hindi pa naman sigurado kung hindi nga sya, magpakamatay na talaga sya. And yes mommy. I will keep it in mind. Aaminin ko din si dulo.

I so love reading ng mga ganitong realization sa buhay. Magtiwala lang tayo sa plano niya. Hindi mo man naiintindihan sa ngayon kung bakit binigay sayo ni lord ang ganyan sitwasyun pero darating din ang panahon na masasabi mong "ah kaya pala binigay mo sakin ito lord" At mapapasalamat ka na lang dahil sa nangyari. Share ko lang dalawang motto ko sa buhay. 1. Lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan. 2. Be thankful in all circumstances. Ito ang naging motto ko sa buhay everytime may problema akong kinakaharap mabigat man o hindi. For example noong namatay father ko na malayo ako, pagdating namin sa bahay nasa coffin na siya. Walang kasing sakit mawalan ng magulang. Kaya para sayo, kaya mo yan! Kapit lang andyan si lord oh.

You're so brave mommy khit dito napagtapat mo.. kaya mo yan. Pray lang tayo.. sana soon masabi mo rin yan sa taong partner mo, yes super masasaktan sya pero yun lang yung way para d na sya masaktan at ikaw din. Wag mo na sanang pahabain ang paghihirap mo.. kung mahal ka nya tlaga despite of everything mananaig parin yun dun sa pagkakamali mo. Oo di madali pero worth it kase natapos mo na yung kasinungalingan mo sa knya na sinasabi mo. Parang panganganak lang yN momsh. Mkakaraos ka din.. basta tumawag ka lang sa kanya pakikinggan ka nya. God is good.πŸ˜ŠπŸ™

Ako po, nabuntis ako ng lalaking may asawa. Pumayag ako maging kabit. Di namen ginusto pareho na mabuntis ako. At ngayon, kung kelan malapit na ko manganak (next month) Tuluyan na nya ko hiniwalayan. Ni wala sya balak kahit magbigay ng sustento para sa baby namen. Ndi ko alam pano na kami ni baby. Stressed ako sobra. Di maiwasan mag isip lagi. Pinagpepray ko nalang na sana di maapektuhan baby ko sa stress at depression na pinagdadaanan ko ngayon. Love ko baby ko. Ni minsan ndi ko naisip ipalaglag sya kahit ano pa man hirap ng sitwasyon ko.

Sus kabit ka lang mamsh.... Ikaw pa parang may sama ng loob na naoipaghiwalay siya. Di niyo gusto na mabuntis ka pero nakikipag sex ka...

Parehas tayo ng problem mommy 10months na yung anak ko at hindi ko alam kung sino ba talaga ang father nya. Kaya lang alam ng partner ko na hindi ako sure kung sya ba talaga. Bago kasi ako mabuntis nahuli nya akong nagcheat sa kanya. Nung una lagi nyang binabanggit na hindi naman daw nya anak to pero nung lumabas na at nag tagal hindi na nya mababanggit siguro dahil sa mas nangibabaw na yung love nya para sa bata pero kung sakaling hindi man sya handa akong tanggapin ang kahit anong parusang ibibigay sa akin ng Diyos. 😭😭😭

Sana lahat ng nag pa planong ipalaglag ang mga anak nila mabasa tong post mo momsh. Alam ko na hindi din madali ang pinag dadaanan mo ngaun pero mas pinili mo ang tama. Very good ka sa part na yan mommy.. sana all ganyan ka ganda magisip. Hindi kagaya ng iba na porket hindi nasarapan sa sex or hindi sila okay ng lalaki or family ng guy idadamay na ung baby.. Para sa mga babaeng pagkatapos labasan o masarapan sa pakikipag sex eh nag pa planong ipalaglag ang mga baby basahin nyo to.

Mamsh same tayo ng situation 😭😭😭 i feel every words you said. Grabe parehong pareho. Nung una gusto ko talaga siyang ipalaglag kasi graduating student ako and yun din di ko din alam kung sino yung tatay. Sobrang pinanghihinaan ako lagi ng loob. Every night akong umiiyak sa naging kasalanan ko. As in di ko talaga alam gagawin ko. Ngayon 3 months na si baby still ganun pa din situation. Naiiyak ako pag naaalala ko.

Yung kasama ko ngayon yung mahal ko yung boyfriend ko ngayon.

VIP Member

I know god has a reason bakit lahat nangyari sayo un ung trials na pinag daanan mo alm mo na may god na nasa tabi, salute sau mamsh bihira ung katulad mo na Aamin ng mali at itinatama ang maliπŸ™πŸ™ praying to you more more blesiings to come despite ng pag kakamali moπŸ˜ŠπŸ’– u have a good heart deserve mo yung mga blessings i know someday magigibg ok din ang lahat sauπŸ˜˜πŸ˜‡πŸ˜‡ be patient πŸ™πŸ€—

I feel you momsh, ... 2mons na siya nakikita ko na sino kamukha nya.. Pero niminsan hindi ko naisip ipalaglag.. Hindi ko rin sinabe kase natatakot ako... Pero kung dumating man ung time na un malaman nila tatanggapin ko lahat ng consequences kahit mawala na sila, basta ang importante kami na lang dalawa ni LO ko ☺️

Troot😊

Trending na Tanong