Physical and verbal abuse

Hello. I have an 8-year-old daughter sa ex ko and now may bago na akong partner and we have 1 child na din. Recently nahuli ko at nagsabi na sa akin ang panganay ko na sinasaktan daw siya physically and verbally ng partner ko. Tinuturuan daw siya magsecret sa ginagawa at sinasabi sa kanya. Nag-usap kami ng partner ko but dine-deny niya lahat kahit nakita ko na. Hindi daw totoo. I feel so trapped, confused and scared for my daughter. I am willing to give my partner a chance pero natatakot ako na baka mga anak ko naman magsuffer. Thoughts please? Update: I've talked to my partner po. Not saying this para itake ang side niya. He was brought up sa ganung environment - palo and hindi magagandang salita na napakamali kasi inaapply niya sa anak ko na lumaki with gentle parenting style. His words were mean and hindi niya ineexplain sa anak ko after kaya iba ang interpretation ng bata. Kinausap ko na siya and stood my ground po. Mas sobra pa sa triple ang pagbantay ko and I'm doing my best na magheal ang daughter ko with what happened. I also plan to have my family intervene para sure. My daughter felt a whole lot better kasi I am aware of what happened and mas secure na siya magsabi sa akin. Thank you po sa lahat ng comments mommies.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

choose your daughter. maawa ka sa anak mo. isipin mo yung trauma na makukuha ng anak mo dahil jan. nakita mo na momsh kahit isang beses lang yan dapat hindi ka na nagdadalawang isip. ikaw ang safety net ng anak mo. wag mong ipagkait yun.

bibigyan mo ng chance pano kung huli na ang lahat? maawa ka sa anak mo magiging trauma nya yan. paniwalaan mo ang anak mo 8years old palang yan hindi pa mag sisinungaling yan. wag mo ilagay sa alanganin ang safety at ang emotion ng bata.

Jusko anak muna sken bago lalake. Kaya ko mabuhay ng walang lalake, Ang di ko kakayanin anak ang mawala saken. Maraming lalake sa mundo sis. Pero di pareparehas. ung iba matino ung iba gago talaga

Dyan po nagsisimula sa another chance. Yung mga life story ng iba pinatawad partner pero ayun umulit. Magkakalamat kadin sa panganay mo kasi sinabi nya na sayo pero wala nangyare, maaaring hindi ka na nya sabihan ulit.

VIP Member

Naku! Mami iwanan mo na iyan mas priority po natin anak natin kesa jowa, babae pa naman anak mo gsto mo ba na hindi lang yan ang gawin ng partner mo? Ngsinungaling na that is biggest Redflag.

Mamsh kung ako sayo iwan mo yang asawa mo, maraming lalaki sa mundo na makikilala mo. Pero ang mga anak nag iisa lang yan. Baka sa susunod iba na ang mangyare sa panganay mo. Concerned lang.

piliin mo anak mo hndi partner mo . kpg gnyn, msama ugali nyan at bka lumala pa . mrami kpa nmn mkikilala . kpakanan ng anak mo iisipin mo lgi . no hate . in my opinion lng dn po .

VIP Member

very alarming po ito mi ,, bka mamaya ibang bagay n yung isesecret sayo ng anak mo hanggat maaga please wag mong hayaan may mangyaring masama sa anak mo nku

mag susufer talaga anak mo sa abusive na tatay, physically and mentally abuse baka iba na yang secret na ano ba yan

Naku, for me if di makuha sa usapan wala ng choice kundi iwan unless kaya mong tiisin na ginaganyan ang anak mo.