My daughter is a Picky eater

I have a 3 yr old daughter and she is a Picky eater. Pili lang kinakain nya, sa morning usually bread, scrambled egg or noodles/pancit canton lang gusto nya kainin. Sa fruits naman, banana lang gusto nya. Kapag lunch at dinner naman, rice na may sabaw at dinurog na gulay lang kinakain nya. Gusto ko sana sya turuan kumain ng ibang variety ng food. Anong technique ginawa nyo para turuan toddlers nyo kumain ng ibang foods? Effective ba yung mag offer ng ibang food tapos kapag hindi nya kinain hayaan lang magutom hanggang mapilitan siyang kumain ng inu offer na food. Once kasi nag try kami ng ganyan technique kaso hindi talaga sya kumain maghapon. Naaawa kasi ako kapag hindi siya kumakain. Please I need your advice. Medyo stress na din kasi ako, medyo na offend kasi ako everytime nacocompare ang anak ko sa ibang bata ng mga in-laws ko. Don't get me wrong, mabait naman in-laws ko pero na stress talaga ako kapag kinucompare nila anak ko sa ibang bata. Hope you can share your techniques or advice paano nyo naturuan toddlers nyo hindi maging picky eater. Thank you in advance.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabayan niyo siya mageat. Kung ano food niyo yun din dapat sa kanya. Pwera nalang kung spicy or alam niyo naman siguro yung pwede or d pwede sa bata. Wag niyo bigyan ng favourite niya. Like don't offer noodles pag ayaw niya ng ulam. Kailangan kung ano andyan maging firm kayo na yun lang. And try niyo po pag nasa table kayo "baby you want to try the food? Its yummy, look mommy and daddy oh,after you eat let's play a game" mga ganon po. Mag offer kayo ng activity after niya maubos yung food. Para every mealtime is magiging exciting sa kanya.

Magbasa pa
Super Mum

eat with your child, yes to offering variety.