Breastfeeding crisis

i am currently breastfeeding my 3week old baby. nahihirapan na ako mag-feed sa kanya. after namin magfeed in one boob, pag ibababa na siya, nagigising. magiging fussy na and shows signs na gutom pa so feed uli sa kabilang boob. pag binaba na uli, nagigising. feed uli then baba tapos gigising. ang problem is hindi maka-keep-up yung milk supply ko. unlatch na lang siya and umiiyak. nakakaawa. how can i keep up? parang gusto ko ng sumuko at mag formula na lang #breasfeeding #firstbaby

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hi mommy! newborns are extra clingy and sometimes parang endless latching talaga sila. just listen to her queues. tama po ginagawa niyo na 1boob after ther other if baby still looks hungry. soon you will master her signals. if worried po about your milk supply, always remember mommy 1. positive mindset 2. feeding as per demand 3. 20-10-10mins power pumping at night 4. eating healthy and intake of lactation eats and drinks packed with nutrients - these help you boost your milk. hope this helps! YOU GOT THIS MOMMY. STAY STRONG♥️ wag tayo susuko, sayang ang nutrients in your milk na hindi kayang maprovide ng any other milk in the market.

Magbasa pa

3 weeks pa lang po si baby, may possibility po na hindi naman sya gutom. Baka sa pagdede sya nakakahanap ng comfort since nagaadjust pa sya sa outside world po. May time na ganyan din po si baby ko noon. Lipat lipat lang sya sa magkabilang boob.