Content
I am becoming more an more in love with my husband. Not sure if it’s just because of pregnancy hormones but I feel very contented and happy with my life. Meron akong mabait na asawa at may padating na na bagong member ng pamilya. Officially family na kame paglabas nya. Sobrang excited na ng asawa ko. Mas excited pa sya saken. Maraming beses sa isang araw nya kinakausap ang anak nya sa tyan ko which makes my heart melt every single time. He’s been working his ass off para pandagdag sa ipon namen sa pagdating ng anak nya. Nagbago na rin ang dating tuyuin nyang ugali. Ngayon ako nalang ang tinutuyo at tumatahimik nalang sya. Nakikita ko kung ang effort nya na mapaayos kame kaya kahit papanu kahit sa kahit na anung paraan pinaparamdam ko din sa kaniya na nakikita ko lahat ng sakripisyo at nagpapasalamat ako sa kaniya. Kahit hindi ako marunong magluto, pinipilit ko na may makain syang matino pag uwi sa trabaho. Kinukuha ko sya ng malamig na tubig pagdating nya. Kinakamot ko ulo nya kasi gusto nya yung pampatulog. Mga simpleng bagay para mapakita ko na appreciated lahat ng ginagawa nya. Alam kong hindi lahat may ganitong asawa at hindi ko intension na mang ingit or magyabang sa inyo. Gusto ko lang i share sa inyo at malaman nyo na mga ganito paring mga lalaki. Salamat