Is this still post partum or am I just tired?
Am I a bad mom? I don't know pero ang bilis mawala ng pasensiya ko ngayon. Maraming factors kung bakit nagiging "Thin as ice" ang patience ko at minsan sa toddler ko nalalabas ang galit. Naiinis ako sa sarili ko and iniisip nalang "Ikaw ang nanay, anak mo yan. Walang kasalanan yan, nahihirapan lang din yan intindihin sarili niya." 😭 Kapag gabi at tulog na siya, nakatitig ako tapos paulit ulit na sorry – pupunta sa banyo at iiyak. SOBRANG NAKAKA-KONSENSIYA. Share ko lang mga mommy, eto kasi yung senaryo namin recently: Naghuhugas ako ng maraming pinggan sa gabi (Hugasan na naipon mula kaninang umaga kasi maraming inaasikaso) Lumapit si toddler at nakita ako so gustong gumaya, magwash daw siya ng hands. So ako naman okay go (binuhat ko paakyat ng lababo then tinulungan siya magsoap and rinse) After ng lahat ayaw na niya bumaba, dun nako nagstart mainis kasi gusto ko na magpahinga. Bigla niyang sinabi na ilulubog niya daw yung hands niya sa "pool" (palanggana na may maruming tubig/leftovers) sabi ko "NO" kasi ang dumi non at kakahugas lang ng kamay. Hindi siya nakinig. At dun na yung breaking point ko, nasigawan ko siya. Nagtantrums na ng sobrang tagal lalo lang ako na-iritate. During those times I tried my best to stay calm. Tahimik na lang ako, tinigil muna ang paghuhugas, then hinintay na kumalma si toddler. I admit, I'm the reason of those tantrums. Sana bigyan ako ni Lord ng mahabang pasensya kasi masakit din sakin makita yung anak ko na ganon. 😭 Ayaw kong isipin ng toddler ko na "bad" at hindi na siya love ng mama during my angry moments. ‼️ To all mommies na nawawalan ng pasensya, take time to READ what's on the link. This helps me understand my child better. And serves as a reminder to be a good mom ‼️ Lahat tayo nahihirapan, hindi ka nag-iisa.