Twice mag linis ng katawan si baby 9mos old

May I ask if mali po yung ginagawa ko. Si baby kasi kahit paliguan ko sa umaga, hindi ko kaya tiisin na hindi sya mag pupunas sa hapon kasi syempre mainit kaya malagkit lagkit, ayaw kasi ng mil ko na ganon baka daw sipunin, di ko naman mapigil sarili ko kaya kapag nandito sya hapon kahit patago sa kwarto pupunasan ko sya or pag malamig syempre leeg nalang na medyo may laway laway na natuyo and then braso gamit wipes unscented. Okay lang po ba ginagawa ko? Btw hindi din araw araw maligo si baby MWF bawal daw kineme so sige payag ako out of respect dahil dito kami sakanya nakatira. #FTM

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

baby ko po na liligo sa umga tapos sympre sa hapon ,lilinisin ko po sya punas ng maligamgam na tubig 😅 , mga 5pm ko po sya nililinisan , para masrp tulog nila

baby ko twice a day naliligo since 3 months sya. morning and before bedtime. Hanggang ngayon 2.5 y.o na sya. ok naman. di naman sya sakitin. like ubo or sipon.

Pwede po. Kame nga dito na halos di napapawisan bata napapaliguan ko 2x a day. Lalo na jan saten sa pinas na sobrang init. Maaaligaga po ang bata sa pawis.

Pwede yan Mi, ganian din po ginagawa namin kay baby, kasi mainit, since newborn gang sa mag 1yr old, di siya tutulog ng hindi malinis at napunasan sa gabi.

daily namin pinapaliguan si baby sa morning. after ng dinner at 6pm, pupunasan namin si baby then palit na ng damit into pajamas.

kung ano alam mong nakakabuti sa baby mo yon ang gawin mo, wag mo pansinin mga sinasabi nila ikaw yung mommy e dapat ikaw masunod sa baby mo☺️

Daily dapat naliligo ang baby. Tsaka ang sipon hindi sa pagligo or punas nakukuha. Sa virus yon. Akin na nga MIL mo, kurutin ko lang hahah

nagpapaligo poako kahit gabi kay baby. basta po sarado na yung buong bahay para di po sya malamigan. wala naman po nagiging problema.

Araw araw din namin pinapaliguan si baby umaga, then sa hapon punas (na parang ligo na rin ahahahha) okay naman si baby namin.

OK lng nmn yon mommy na paliguan mo sya sa hapon, pamangkin ko nga Umaga't Gabi pinapaligoan, araw2 PA yon