7 Replies
Nakitaan ng Scalp Edema si baby dun sa ultrasound ko, Edema means manas, bukol o pamamaga. Dalawang OB na ang tumingin. Ob sonologist din ang nag ultrasound. Now i have to wait for Congenital Anomaly Scan Dahil 20weeks palang si baby, Standard is 22-23 weeks para gawin yun. So another suffering for me kasi i have to wait for 2-3 weeks. It is Hydrops Fetalis. Hydrops Fetalis ay isang rare condition. Napaka Low ng survival rate. 20% lang ang mabubuhay panganganak, pero only half of 20% lang ang mabubuhay after birth. So chances is ipapanganak ko si baby na patay, O ipapanganak ko siya ng buhay pero low survival rate o hindi magtatagal, 2% lang ang nabubuhay at lumalaki ng normal. Worst part satin, Wala tayong Abortion at Euthanasia dahil hindi ito legal sa atin, so dadalhin ko parin ito as long as may heartbeat siya sa loob ng tiyan ko. At kahit naman legal ang abortion dito, hindi ako papayag. Ifufullterm ko siya kahit alam ko yung kahihinatnan. Ngayon i need more further test para malaman kung bakit nagkaganito, at para maiwasan sa next pregnancy ko pa. Maybe because hindi daw compatible ang dugo namin ng partner ko. Kaya pala lagi akong dinudugo, naninigas ang tiyan ko at humihilab. Kaya pala maselan ako magbuntis at laging nagte-take ng pangpakapit simula palang ng pagbubuntis ko. Ok lang sana eh, kaya kong tiisin yung sakit ng physical pain eh. Basta Dadalhin ko ito as long as may heartbeat siya, At umaasa ako sa milagro. Paulit ulit kong sasabihing akin toh, akin toh. Na sana panaginip lang ang lahat! Ang sakit sakit! Sobrang durog na durog ako ngayon! Nakatulog ako kakaiyak, Pag gising ko naiyak padin ako. Mapapatanong nalang ako, Bakit nangyayari sakin toh??! Di ba pwedeng ako nalang, Wag ang anak ko?? Bakit kailangan maranasan ng anak ko ito?? Nakakadurog ng puso ng isang Inang kagaya ko! Di ko kinakaya! Ang sakit sobra para akong unti unting pinapatay!! Alam mo yun dadalhin ko parin ito at iingatan as long as may heartbeat parin siya sa loob ng tiyan ko. Hindi ako naniniwala sa milagro, pero this time umaasa ako sa milagro na sana magbago ang lahat! Na habang di pa ko nagagawan ng Congenital Anomaly Scan, eh magmilagro ang lahat, na magbago parin. Sana naman. Ang sakit sakit kasi!!!! Isinusuko ko sa Diyos ang lahat, Sa sobrang sakit kahit sana kapalit nalang ng buhay ko. Diyos ko bakit po??? Sa mga di nakaranas nito, ang swerte swerte niyo po Pahalagahan niyo mga anak niyo, dahil yung gaya ko sobrang nadudurog at nahihirapan! Kakapitan ko itong 20% na yan, pati ang 2-3 weeks na paghihintay na SANA may milagro at magbago ang lahat. Bakit sakin nangyayari ito? Hindi naman ako masamang tao, Lahat naman ginagawa ko, Tumutulong ako sa abot ng makakaya ko na walang hinihintay na kapalit eh. Diyos ko, Bakit po? Bakit po?!!! Napakasakit para sakin nito, ang tagal ko hinintay mabuntis, Ang tagal kong hinintay at hiniling toh. 6 years old na ang bunso ko. Please naman, ibigay niyo na sa akin ito!!!
honestly Wala po kase hydrops din po ung baby ko ..pero dipo naka survive
last September 2020
nabasa ko lang po yan. para may idea ka din momsh
Up
up
up
UP
Anonymous