Fetal doppler

How to use this po? Kasi di ko ma locate Heartbeat ni baby. Nakaka takot 🥺 Currently 18weeks and 2days po. #pleasehelp #advicepls #1stimemom

Fetal doppler
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Few tips lang po: 1. Make sure na may gamit ka po na gel, if may budget at access better ang Ultrasound gel. If wala, okay na yung Aloe Vera Gel na nabibili sa watsons. Malaking difference po kasi pag may gel na nilalagay sa tyan. 2. Hanapin niyo po muna yung HB niyo (which is usually 70-90) para madistinguish niyo po agad na yung inyo 3. wag bilisan ang pagmove, kasi baka mamiss. dahan dahan lang po pero wag diinan. 4. Watch po kayo sa youtube how to properly locate. Kasi depende po minsan sa weeks kung asan si baby. Wag po kayo magpanic agad or self diagnose. :)

Magbasa pa

Hello po yung fetal doppler ko po dumating eksaktong 14weeks si baby nadetect ko naman kaso pahirapan talaga😅 May manual naman din po yan, makukuha nyo din po yan tiyaga tiyaga lang po talaga sa paghahanap ng heartbeat. Pag may narinig po kayong parang train (beating sound) stay nyo lang po muna doon yung doppler tapos konti konti nyo po imove hanggang magbago na yung reading ng monitor mo po. Yun lang po palatandaan ko yung may sound na parang train o heartbeats po.

Magbasa pa
Post reply image
2y ago

thank you po. wala po kasi sa manual ung ganyang pic po. kaya no idea tlga po try ko nlang po ulit. may narinig ako sa banda puson pero not sure kung un ba un.

share ko lang mi na hindi ako inadvise ng OB ko na magdoppler. kasi kahit na bibigyan ka nya ng peace of mind kada maririnig ang heartbeat ni baby, mas maganda parin talaga yung accurate na makikita mo and masisiguro na okay sy sa loob by means of ultrasound. madami daw kasi nabibigyan ng false hopes pag narinig ang hb. dun nalang daw nagbase. 17w3d here and considering dati to buy, pero wag nalang 😊 160bpm si baby last checkup namin kay OB.

Magbasa pa
2y ago

Same mi.

paalala ko lang po .. may naririnig din po na beat sa placenta , kaya baka mapagkamalan nyong heart beat ang placenta ask your ob po para mas sure ipatest nyo po yang Doppler at para malaman nyo pagkakaiba ng heartbeat sa placenta nalaman ko lng po yan sa ka mamiii ko na nakunan akala nya may baby paren sa chan nya kase may gumagalaw at may nararamdaman pa syang beat pero placenta nlang pala un.

Magbasa pa

parang ganyan din po doppler na pinahiram sakin ng ate. nahirapan din po ako mag locate nung una ng heartbeat ni baby. pero ngayong 25weeks na ako madali ko na po malocate hb nya. anterior placenta din po ako kaya medyo mahirap daw po hanapin sa doppler pag early weeks pa si baby.

Pag ganyang 18 weeks palang po sa may bandang taas ng pubic nyo po hanapin. Pati sa nga sides. Mabilis po yung tunog ng HB ni baby parang tumatakbong kabayo. If normal ang HB nya nasa around 150 to 160bpm.

2y ago

In time, magiging pro ka din sa paggamit ng doppler mi. Lalo na pag alam mo na identify yung tunog ng HB ni baby. Hindi naman daw po masama sabi ni OB nung inask ko. I can use it as often as I want daw.

tiyagain mo lang mommy. minsan talaga mahirap malocate heart beat ni baby. Also wag masyadong maraming gel ang ilagay mo and yung position ni baby is sa bandang puson mo since 18 weeks pa lang naman siya.

ganyan din doppler ko. marami kang sounds na maririnig jan. to avoid confusion and para ma identify mo which is which watch this: https://youtu.be/BWiLPGErVF0 hope it helps.

Magbasa pa
VIP Member

hi momsh! naglagay po ba kayo ng gell sa doppler nung tinry niyo po? kailangan po kase yun and ipush lang ng konti yung doppler sa puson if iddetect yung heartbeat ni baby.

search po sa youtube how to properly use it. may ibang doppler na di accurate ang bpm pero dinig ang hb sound. may time din na tago position nya kaya mahirap hanapin.