Hingi lang po ng advice

How should I deal with my in laws kase gusto nila kunin yung baby namin. Naka separate na kami sa kanila nasa ibang munisipalidad na din kami pero pinipilit pa din na sa kanila na ang baby namin. E nung nabuntis ako wala naman sila binigay pampa check up o kahit pang vitamins lang. Sila pa yong hingi ng hingi sa asawa ko alam nman na nag iipon para sa pamilya namin. Nung nanganak ako hindi din sila nagbibigay up to now tapos hingi ng hingi sa asawa ko. Btw factory worker ang asawa ko magkano lang sinasahod nya . Gusto ko minsan sagutin in laws ko pero alam ko na ending magsusumbat sila na sila bumuhay sa asawa ko. Paano ko po sila iha handle kahit asawa ko hindi na din alam gagawin sa parents nya.#advicepls #pleasehelp

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakakaasar yung ganyan, yung byenan kong babae ganyan din. Puro hingi ng pera sa asawa ko, tuwing sasahod nalang ang asawa ko lagi syang may problema o nanghihingi ng pera, twice a month pa. Tapos kapag di nabigyan kung ano anong sumbat ang maririnig ng asawa ko kahit alam naman nyang buntis ako. BTW yung nanay ng asawa ko may kabet, sya pa ang bumubuhay. Tapos magchachat lang sakin kapag may kailangan, ni kamusta samin ng apo nya wala pero kapag hihingi ng pera dun makakaalala. 😂

Magbasa pa
3y ago

We both have the same situation twice a month sila before or more kung humingi ng pera tapos nagbibigay pa ng oras. Nung humingi nga ng tulong asawa ko para may panglakad sya sa pag aaply ng trabaho ni piso wala silang binigay