Hingi lang po ng advice

How should I deal with my in laws kase gusto nila kunin yung baby namin. Naka separate na kami sa kanila nasa ibang munisipalidad na din kami pero pinipilit pa din na sa kanila na ang baby namin. E nung nabuntis ako wala naman sila binigay pampa check up o kahit pang vitamins lang. Sila pa yong hingi ng hingi sa asawa ko alam nman na nag iipon para sa pamilya namin. Nung nanganak ako hindi din sila nagbibigay up to now tapos hingi ng hingi sa asawa ko. Btw factory worker ang asawa ko magkano lang sinasahod nya . Gusto ko minsan sagutin in laws ko pero alam ko na ending magsusumbat sila na sila bumuhay sa asawa ko. Paano ko po sila iha handle kahit asawa ko hindi na din alam gagawin sa parents nya.#advicepls #pleasehelp

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Matic na po na pag may sarili nang pamilya eh wala na dapat silang pakialam..nasa inyo na un ng asawa mo kung gusto mo magbigay bigay sa kanila ng pera.pero kung walang maibibigay,magtiis..ganun lang po yun..hindi para kunin ang anak nyo para lang makahingi lang ng pera. hindi din yan hayop na basta nalang gustong kunin sa inyo.kayo magulang nyan..nakakatuwa naman byenan mo mamsh.naloka ako😂

Magbasa pa
3y ago

Nagpa blotter na po kami still my inlaws kept bugging my family. Nag cut na po kami ng connections just like his older brother do. We both have the same situation gisto din nila makuha yung anak ng kuya ng asawa ko.