12 Replies

Nakakaasar yung ganyan, yung byenan kong babae ganyan din. Puro hingi ng pera sa asawa ko, tuwing sasahod nalang ang asawa ko lagi syang may problema o nanghihingi ng pera, twice a month pa. Tapos kapag di nabigyan kung ano anong sumbat ang maririnig ng asawa ko kahit alam naman nyang buntis ako. BTW yung nanay ng asawa ko may kabet, sya pa ang bumubuhay. Tapos magchachat lang sakin kapag may kailangan, ni kamusta samin ng apo nya wala pero kapag hihingi ng pera dun makakaalala. 😂

We both have the same situation twice a month sila before or more kung humingi ng pera tapos nagbibigay pa ng oras. Nung humingi nga ng tulong asawa ko para may panglakad sya sa pag aaply ng trabaho ni piso wala silang binigay

bakit nila kinukuha ung bata Kung wala namn Pala silang binibigay at nanghihingi Lang din sa asawa mo. ibigsabihin Lang nun Kaya kinukuha ung bata para makahingi pa Rin ng Pera 😅 wag Kang papayag hayaan mo sila . wala kasing bubuhay sa Kanila Kaya ganun sila. wala silang karapatan sa anak nyo. toxic family culture Dahil binuhay nila asawa mo habang buhay ung utang na loob na dapat bayaran which is Mali Dahil may sarili na syang pamilya...

wag niyo na po pansinin mamsh. oo biyenan niyo po sila. pero wala silang kahit anong karapatan na kunin ang anak niyo lalo na kaya niyo namang buhayin. baka kaya nila gusto makuha ung bata ay para makahingi sila ng pera. report niyo po sa barangay. tsaka di niyo din obligasyon na bigyan sila ng sustento lalo na bumubuo na kayo ng sariling pamilya. okay sana kung malaki sinasahod ni hubby mo pero kung di, diba dapat sila una nakakaintindi?

Matic na po na pag may sarili nang pamilya eh wala na dapat silang pakialam..nasa inyo na un ng asawa mo kung gusto mo magbigay bigay sa kanila ng pera.pero kung walang maibibigay,magtiis..ganun lang po yun..hindi para kunin ang anak nyo para lang makahingi lang ng pera. hindi din yan hayop na basta nalang gustong kunin sa inyo.kayo magulang nyan..nakakatuwa naman byenan mo mamsh.naloka ako😂

Nagpa blotter na po kami still my inlaws kept bugging my family. Nag cut na po kami ng connections just like his older brother do. We both have the same situation gisto din nila makuha yung anak ng kuya ng asawa ko.

TapFluencer

Nung nalaman ko buntis ako, isa lang tlga iniisip ko. Kahit ano mangyari di ko iiwan ang bata. Hirap at ginhawa. Anak mo yan momsh. Wag mo hayaan ibigay bsta2. Baka gagawin pa nila reason na magbigay kayo pera sa kanila kasi nasakanila ang bata. Hanap ka nlng katulong if may trbaho ka. Nasayo desisyon nyan kasi ikaw ina.

Gusto ng asawa ko mag full time mom ako and okey lang naman sa akin kase ok din naman minsan yung kita nya. Nag cut na din kami ng connection para hindi na sila makahingi

bakit gusto nila kunin yung baby? wag kang papayag mommy. ikaw ang nanay, ikaw ang masusunod sa anak mo. hindi naman sila ang nagdala dyan ng 9 months at naghirap magluwal. kung gusto nila makita apo nila bisita bisitahin nyo nalang po or sila bumisita sainyo.

We cut our connections na sa kanila para kahit papaano magka peace of mind kami. Sinabi din namin before pa mahka baranggayan na pwede nila bisitahin si baby pero wala e kitid utak nila kaya nablotter namin sila

Anak mo naman yan Mi. Bakit mo ibibigay anak mo? Kahit ano pa reason ng ibang tao. Ikaw lang me karapatan jan. Kahit mag involve pa kayo ng batas. Ikaw lang me karapatan wala ng iba. Kaya kung ano sabihin mo yun ang masusunod.

Yan yung pinapanindigan namin mag asawa nagpa blotter na din kami pero ayaw talaga nila tumigil

Nasa batas naman yan na sa poder ng magulang ang anak. Kung sapilitan nila kunin ang bata kidnapping yun kahit kapamilya pa sila basta walang consent ng magulang na kunin nila.. Ang toxic nila ha kaloka.

Tsaka lagi sila humihingi ng pera sa hubby ko baka yun pa yung reason nila para magbigay kami ng magbigay sa kanila. Napa blotter na din namin sila pero hindi pa din tumitigil

Di naman yun pwede kasi ikaw naman ang nanay wala silang right na kunin ang baby. Wag mo isipin na susumbatan ka nila kailangan rin minsan sabihin ang totoo para marealize rin nila na mali sila.

We already cut our connections with them. Na isip din ng asawa ko na lagi na lang syang tumutulong since binata ano naman kung unahin nya kaming mag ina nya

Kayo Ang parents kayo ang may karapatan as long as kaya nyo namang buhayin yung baby bakit pa nila kukunin …basta wag nyo ibigay kayo parin may rights dyan.

Yes momsh kaya namin buhayin si baby never nagkulang asawa ko sa amin since buntis ako. Sila tong walang ambag sa pamilya namin since nag start kami asawa ko pa nagbibigay sa kanila

Jusko wag mo ibigay. Ginagamit lng nila ang bata. Kakapal naman ng mukha. Ikaw ang nanay kaya sayo ang bata. Wag nyo na replyan yan. Napaka toxic

Nag full time mom ako para mabantayan at maalagaan si baby. Ganyan din ang ginawa nila sa kapatid ng asawa ko kaya nilayasan sila

Trending na Tanong

Related Articles