take things slow po. ipakita niyo po muna yung potty, iexplain niyo po in simple way ano yung potty at para saan halimbawa po habang naliligo, "yan yung potty, jan kami nagwiwiwi at nagpoopoo. makakapagwiwi at poopoo ka din jan, gusto mo ba itry?" tapos pag nag no po si baby, irespect po natin kasi kahit po tayong adults pag binigla eh umaayaw. pag nag yes na po siya, kahit paupuin niyo lang po ng 1 to 2 minutes, tapos kung feel niyo po nerbyos pa siya, iexplain niyo lang po yung potty at ano pwede niya gawin. pwede niyo rin po tanungin kung wiwi ba or poopoo. tapos pag tapos na, kahit wala pong wiwi at poopoo na lumabas, turuan niyo po siya magwipes ng ari at pwet at maghugas ng kamay. eventually masasanay po siya na pag wiwi or poopoo magsasabi na po sa inyo para samahan siya. tapos darating din po yung time na siya nalang mag isa para makapoopoo siya nang maayos.