PA- RANT LANG AKO MGA MOMMIES
Hirap maging full-time mom, ang tingin lang sa'yo parang wala kang ginagawa sa bahay. Ako yung nag lalaba, nag lilinis, nag luluto ng bfast at pag kaen ni 7months ko, nag aalaga ng bata, nag papa breast feed. Sobrang hirap mag pa breast feed, parang nakakatuyo, nakaka gutom, nakakapang hina. Bago ako mag buntis 55-56kgs timbang ko, ngayon 51kgs nalang ako. Pero ang tingin lang sakin dada lang ako ng dada, lagi lang ako nakahiga. Sinisingit ko pa pag aahente para may pang dagdag kame sa budget, ang pahinga ko lang pag kakaen ako, pag iihi, pag maliligo. Gusto ko sabayan ng tulog baby ko kaso imbis na matulog ako habang tulog sya nag aahente nalang ako para may kitain. Nakakapagod na nakakastress. Haysss. Sana pala nag working mom nalang ako baka sakaling purihin pa ko ng asawa ko. #FulltimeBreastfeedMom #fulltimemom #struggle #struggleandstress #rant