Soon to single nanay😢

Hirap mabuntis mag isa. Ung di ka nman kaya panagutan ng nkabuntis sayo. Kahit sobrang hirap kakayanin nlang para kay baby..Ung feeling na wla ka man lng masabihan sa nararamdaman mo. Kahit sobrang hilo mo kelangan mo bumangon para makakain. Pag may masakit ka na nararamdaman kaw lng maghimas himas para mabawasan ung sakit. Yung feeling na mag isa ka sa lahat,tuwing magpacheck up ka maiiyak ka nlang kasi lahat ng kasabayan mo na buntis ngpacheck up may kasama na asawa nila nag aantay sa labas. ikaw wala. Kahit gustong mong magpahinga babangon ka kasi kelangan mo mgwork. Mahirap pero kakayanin😢😢😢31 yrs old.#1stimemom #firstbaby #pregnancy

Soon to single nanay😢
112 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy! Gusto kitang i commend sa lakas ng loob at determination mong itaguyod si baby kahit mag isa ka lang. Maraming tao sa ngayon na pinipiling talikuran o takasan na lang ang mga problema at responsibilidad. Pero pinili mong harapin ang lahat nang may tapang dahil alam kong love na love mo si baby. Siguradong may napakagandang reward para sayo dahil sa lahat ng pagsisikap mo. Naghanap ako ng isang magazine article na makakatulong sayo. Sana magbenefit ka ng husto sa mga tips na nandito, lalo na at galing ito sa mga kagaya mong single parent. Stay safe kayo ni baby! Prayers ko ang healthy at safe delivery mo mamsh. https://www.jw.org/tl/library/magasin/g201211/

Magbasa pa