MAGLEAVE NA SA WORK. NEED HELP??

Hingi sana ako advice sainyo mga mamsh. 15 weeks preggy na po ako and still working kaso ganto yung work arrangement ko. Nalipat kasi ako sa site ng company nmin sa Quezon pero dati sa Manila ako nakadestino nung nagpandemic nagbawas sila ng tao sa office at inilipat sa ibang lugar. Taga Cavite po ako. Every weeekend umuuwi ako samin. Ikakasal na din po ako sa June. Kaya ko pa nman magwork kaso parang gusto ko na tumigil muna dahil sa pagbiyahe biyahe at parang narrisk yung condition ni baby. Tho sabi nman ng OB ko na okay pa nman magwork ako at sayang daw kung magagamit ko yung maternity leave ko ng maaga. Lalo ngayon tumataas bilang ng covid. Baka may massuggest kayo mga mamsh? #1stimemom #firstbaby #pregnancy

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello po. Di po kaya pwedeng option na dun po kayo magpalipat sa site malapit sa location nyo? Baka kase meron namang malapit sa cavite para na din di nyo need magbyahe ng malayo. Sayang din kase nga yung work nyo or baka pwedeng work from home kayo since pregnant nga. May mga company naman na may consideration pa din sa mga employees nila. Iopen nyo na lang din po sa superior nyo. Baka may option pang iba.

Magbasa pa