Hindi tanong. Ganto pala pag first time mom, unang anak, Yung kaba grabe. Nung mga unang buwan na alam kong buntis ako, hindi ko talaga gusto pero ngayon 37weeks & 2days na ako. Araw o linggo nalang bibilangin lalabas na ang inayawan ko noon. 😊😊 Nakakaproud sa sarili na kahit ayaw ko sana magkaroon ng anak eh eto ako ngayon tinuloy ang laban naming mag-ina. 😊 Ilang araw o linggo nalang magkikita na kaming dalawa. 💙 Salamat sa panibagong journey na to. Siguro sa iba walang dahilan o rason pero sakin alam kong may rason bakit binigyan ako ng ganto. 💙🦋 Laban lang sa life! Habang pasuko na ako noon eto yung rason kung bakit lumalaban ako. ✨🪐 Goodluck sa mga katulad kong first time mom! ♥️💙💚