Baby Adoption
Hindi po ako against sa nagpapaadopt ng baby since okay lang din po siyang choice kesa sa ipaabort. Nirerespeto ko po yung choice niyo para sa ikakabuti ng baby niyo. Pero ako lang po ba yung nasasaktan kapag may pinapaampon na baby? I mean, opo, may mga mommies na hindi pa kayang buhayin yung magiging anak nila pero ako po personally, nasasaktan po ako. Parang hindi ko po kayang ipamigay yung anak ko sa iba. Parang ang sakit sakit lang po na sa iba lalaki yung baby mo and sobrang nakakaguilty lang po sa sarili. Lalo na po pagdating ng araw, parang nanghihinayang ka't naguiguilty na sana inako mo nalang yung responsibilidad mo bilang ina sa magiging baby mo. Wala po akong pinapatamaan, sadyang naisip ko lang po siya bigla. Tinititigan ko po kasi yung 2 month baby ko na nginingitian ako at nakikipaglaro sakin. Then, bigla nalang po siya pumasok sa isip ko na sobra akong masasaktan kung malalayo't mawawala sakin ang baby ko. I repeat din po, malaki po ang respeto ko sa mga mommies na choice na ipaadopt ang anak nila dahil mas magandang desisyon po yon kesa sa ipalaglag ang baby. And iba-iba naman po ang mga dahilan kung bakit nagagawa nila yon kaya naiintindihan ko po sila. Ayun lang po, gusto ko lang po ishare yung random thoughts ko. ?
Kieffer's mommy