Normal po ba na mawalan ng ganang kumain sa 1st trimester?

Hindi naman po ako nag susuka. Hindi ko lang po talaga gusto lahat ng kinakain ko pero diko din po sya sinusuka. Madalas po na konti lang kinakain ko pwera nung hindi pa ko buntis. Naaawa na din po ako sa panganay ko sya po napagbubuntungan ng init ng ulo ko 🥺 pls help.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

10 weeks now and bumabalik na ung panlasa ko pero di parin ako ganon kagana . ayaw na ayaw ko non mga 5-9 weeks ung amoy ng bawang at karne. pati gulay minsan ayuko na din . halos di ko na alam ano gusto kong kainin sa sobrang selan. Hilo ko naman pagsapit ng alas onse ng patanghali maghapon na yan . nasusuka ung feeling pero di naman maisuka. take note: MASIBA AKO DATI 😂🤣

Magbasa pa

Same. Normal lang po siguro yan. 7weeks and 3 days ang tyan ko now, pero wala talaga akong ganang kumain. Nag lose nga ako ng 2kgs. Nakakaramdam ako ng gutom, pero hindi ko alam ano gusto kong kainin. Hindi din ako nag susuka or morning sickness.

2y ago

Pwede ka kumain pa kunti ng biscuits para may laman tiyan mo or fruits. Ako pag ayaw ko ng kanin, fruits or anmum nalang iniinom ko tas biscuits.