HINDI LAGING TAMA ANG SAMA-SAMA #USAPING MAGASAWA

HINDI LAGING TAMA ANG SAMA-SAMA Sama-sama kumain... Sama-sama mag-road trip... Sama-sama mag-videoke... Sama-sama sa magshopping... Sama-samang abutin ang mithiin... Masaya lahat ito! Pero meron isang ‘sama-sama’ ang hindi ko marerekomenda... SAMA-SAMA SA BAHAY ? Tatay, Nanay, Anak, Lolo, Lola, Pamangkin, Hipag, Bayaw... lahat yan, sama-sama sa iisang bahay. Masaya yan pag bakasyon. Kahit magsama ka pa ng kapitbahay! ? Pero kapag tipong ito ang setup sa tunay na buhay, ibang usapan na ito. Marami-rami na akong nakachika at nakachat na mga wifeys na ito ang sitwasyon sa buhay. Actually kaya ako napasulat ngayon para replayan yung babaeng nasa message request ko ngayon ? Kaya para naman mabigyan tayo ng linaw kung tama ba ito o hindi hayaan nyong ibahagi ko hindi ang aking opinyon kundi ang katotohanan mula mismo sa Dios. Yes! Kay Lord ito galing mga Bes kaya kung may aalma, si Lord nalang tanungin nyo ng ‘vaket?!’ ? LEAVE AND CLEAVE “Therefore a man shall leave his father and his mother and hold fast (cleave) to his wife, and they shall become one flesh.” — Genesis 2:24 3 IMPORTANT PRINCIPLES FROM THIS TRUTH: 1. LEAVE Hindi lang ito yung lilipat kayo ng bahay. Leaving here means totally detaching yourselves financially, emotionally and physically. Nakabukod nga kayo pero tuwing bayaran na ng meralco o kaya enrollment ng mga bagets, takbo kina Tatay at Nanay! Wala ng bigas, nahospital si bagets, may major decision at kung ano-ano pa, lahat ng yan dinedepende parin sa mga magulang. This is not leaving. We are making things complicated dahil we are not following His command and design. We really have to start and stand on our own. REGARDLESS. WHATEVER IT TAKES. May dalawang klase ng relationship na nabanggit sa verse na ito: Parent and Child Relationship — Temporary Husband and Wife Relationship — Permanent Ganyan dapat ang equation. Kapag napagbaliktad natin yan (ibig sabihin kung mas priority mo ang ‘parent-child’ relationship over your spouse) then malaki magiging problema natin. Asahan mo ang patong-patong na complications na later on pwedeng sumira sa marriage ninyo. Also, hindi talaga ubra ang dalawang hari o dalawang reyna sa isang kaharian. 2. CLEAVE The Hebrew translation means: to PURSUE HARD AFTER SOMEONE/ being GLUED or STUCK TO SOMEONE. Sa sobrang dikit nyo sa isa’t-isa, walang ibang maka-singit. Walang barkada, magulang, boss, o kahit sino pa. Loyal kayo sa isa’t-isa, close na close. Kayong dalawa lang yun, wala ng iba, not even our parents/in-laws. 3. ONE Ito ngayon ang fruit when we leave our Father and Mother and be glued to our wives (whatever it takes).. Nagiging ISA kayo ngayon. Iisa kayo ng prinsipyo, conviction, goal, desire and more. Kaya marriage is hard work e. Kasi hindi naman madali ito. Hindi madaling mag-agree at lalong mahirap maging iisa sa lahat ng bagay. We really have to work hard para masettle ang lahat ng ito at maging UNITED sa lahat ng pagkakataon, decisions at sa lahat ng bagay. Yes may conflict at struggle, pero lahat naman napaguusapan at nasosolusyunan. ANONG MAPAPALA MO DITO SA LEAVING AND CLEAVING??? 1. BLESSING!!! Ulit-ulit kong sinasabi ito mga Bes... “Obedience brings blessing!” Sino mag-bbless sa atin? E di yung Dios na napakahusay, napaka-makapangyarihan at may-ari ng lahat! Ayaw ba natin nun? When we obey His command and His design, asahan talaga natin na bubuhos ang pagpapala. Yes! Hindi bed of roses, may mga challenges and struggle parin PERO His amazing grace will see us through! 2. STRONG LEADERSHIP (ni Mister syempre) Natututong magpakalalaki, magpakatatag at umako ng responsibilidad kasi walang ibang sasalo at mananagot kundi sya. Nadadapa at nagkakamali, pero bumabangon at nagtutuloy lang ulit. Mga Mister, tandaan, kayo ang haligi, hindi si Tatay o Nanay. 3. SECURED WIFE Sino bang natutuwa sa insecure na tao? Parang wala. Husbands, pag ginawa nyong TOP PRIORITY si Misis, promise, siya din ang magiging #1 SUPPORTER mo. Asahan mo na kahit gaano kahirap ang pagdaanan nyo, susuportahan ka nyan 100%. Bakit? Kasi confident sya na mahalaga siya sayo.. na higit sa kanino pa man, siya ang pinaka-importante sayo. For sure, no space for insecurities na si Misis. Pero subukan mo ding mas i-prioritize ang iba kaysa sa kanya, naku world war z yan! Siya ang magiging pinakamalupit mong kaaway. Di mo gugustuhin yun promise! So pano? Wag na sama-sama ha? LEAVE. CLEAVE. BE ONE. #UsapangMagasawa #God’sDesign #Leave&Cleave #BeONE #MarriageFirst #Priorities Disclaimer: We love our Parents/In-Laws. Kahit i-pm nyo pa sila ?, they can testify how much we love and respect them. Leaving and cleaving doesn’t mean cutting ties with them or disrespecting them. Mark and I are so grateful that they allowed us to be the King and Queen of our own kingdom, of our own home, of our own family. CTO ( CASS BRION - BIBONG PINAY )

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles