Mamaso (Skin disease)

Hindi ko makakalimutan pag papalapit na ang summer etong nangyari kay Gavin. March 2 last year at Birthday ko, 5 months old si Gavin summer time and sobrang init sa loob ng bahay para kaming nasa oven! Lalo kapag nagluluto na ako. (Hanggang ngayon nararanasan parin namin ?) Yung tipong kaliligo mo lang pglabas ng banyo tagaktak ka na agad ng pawis.. Bagsak na bagsak yung araw sa bahay namin (kaya ang sarap magsampay ng labahan dahil ilang oras lang tuyo na labahan mo) kahit aircon di kinakaya (malamig ngayon maya maya wala na di mo na ramdam na nakaaircon ka. Hindi pa kami makalipat sa lugar na hindi mainit dahil hindi yun ganun kadali). Ito yung pinaka nakakalungkot na nangyari kay Gavin. Nagsimula sa bibig hanggang sa kumalat na sa buong katawan, makati at nakakairita sya. Sinabayan pa ng pagtatae dahil hindi sya hiyang sa S26 gold, pagsusuka at lagnat. Nung una, parang rashes lang sya akala ko pa nga bungang araw dahil nga sa sobrang init. Pinacheck up namin sya sa Pedia doctor nya pinalitan milk (naging okay naman) at binigyan ng gamot para sa rashes pero hindi parin nawala hanggang sa nagbago na yung mga rashes naging butlig na may tubig na sya (mukhang bulutong, akala ko!) hanggang sa lumalapad yung butlig pagkatapos mawawala yung tubig at magfflaten na sila. So nagdecide kami na magpa second opinion, pumunta kami sa pinakamalapit na clinic, walang Pedia doctor pero may General doctor, nagpa check up parin kami. Unang kita nya kay Gavin baka daw hand, foot and mouth disease (which is uso that time na pinagdadasal kong sana hindi) pero nung chineck nya ng malapitan yung mga butlig dun nya nasabing Mamaso o impetigo ang dumapo kay Gavin and isa nga daw sa dahilan ang napakainit na panahon. Maraming gamot ang nireseta pero sobrang Thank you kay Doc dahil gumaling agad si Gavin at naagapan etong mamaso at hindi lumala. Maski pagtatae, pagsusuka nya nawala sa mga niresetang gamot. Mabilis nawala yung mamaso pero nag iwan ng bakas o peklat. (Akala pa ng ibang mommys na nakakausap ko sa health center ee galis ar anything na nakakahawa. Kita ko sa expression ng mukha nila na nandidiri sila pero hinayaan ko nalang ang importante napabakunahan ko anak ko). Hanggang ngayon kita parin mga peklat sa buong katawan ni Gavin pero mawawala naman daw 'yon sa paglaki niya. Naging takbuhan na namin si Doc sa tuwing magkakasakit si Gavin dahil after magpacheck up sa kanya kinabukasan gumagaling na si Gavin. ?? Sa panahon ngayon present na present ang mga bacteria sa lugar na napakainit, hindi lang pala bungang araw pwedeng makuha ng mga bata kundi pati mga ganitong skin disease. Nai-share ko ito para maging aware ang iba lalo na sa mga nasa mainit na lugar nakatira. Panatilihing malinis lagi ang paligid at sa katawan lalong lalo na ang mga bata dahil sila ang madaling dapuan ng mga ganitong skin disease. Salamat sa pagbabasa. ? More info: What Is Impetigo? Impetigo, also known as mamaso, is a highly contagious infection of the outer layers of skin, which usually appears as red blotches around the nose and mouth. Caused by bacteria, this reddish rash is characterized by liquid-filled blisters that burst easily, then form scabs that fall off, leaving no scars. Impetigo occurs most frequently in young children. There are two types of impetigo: non-bullous and bullous. Non-bullous impetigo comprises roughly 70 percent of diagnosed cases. Bullous impetigo may feature larger blisters either on the torso or diaper area of young children. How Does Impetigo Spread? Impetigo spreads through direct contact with someone who is infected. It also can be spread through contact with something an affected person has touched, such as towels, clothing, bed linens, and toys. While it most commonly appears around the nose and mouth, blisters can be spread to other areas of the body. To help prevent spreading, children should stay home from school for 24 hours after starting an antibiotic treatment. Who Is at Risk for Impetigo? Because it most commonly occurs in children ages 2 to 6, age is the biggest risk factor for contracting impetigo. Other risk factors include: Athletic activity: Participating in sports that involve skin-to-skin contact, such as rugby or wrestling, increases the risk of contracting impetigo.Skin lesions: The bacteria that causes impetigo can enter through small skin cuts, insect bites, or rashes.Warm climates: Impetigo is more common in warm, humid weather.Crowded environments: Schools and day care centers are common breeding grounds for impetigo. How Is Impetigo Treated? Impetigo is not serious, and if the area is kept dry and clean, it typically clears up on its own in two to three weeks. It will usually heal faster with antibiotics (either oral tablets or topical cream). How Can Impetigo Be Prevented? Avoiding contact with individuals with impetigo is the best way to prevent the condition. Also, practice good personal hygiene, and teach your children about its importance. Frequent and thorough hand washing with an antibacterial soap such as Safeguard® also can help. Also, keeping a small bottle of hand sanitizer—containing at least 62 percent alcohol—for cleanups when soap and water aren’t available can help prevent the spread of the germs that cause impetigo. Source : Safeguard.ph For more information: https://www.facebook.com/250599504286/posts/10158411141649287/

Mamaso (Skin disease)
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Thanks sa info momshie..