LONG POST AHEAD! DILEMMA DIARY KO TONG TAP
Hindi ko alam san ako magsisimula, Dito ko tinatago ung pagiging mahina ko 😢. After ko manganak mas lumala ang pag ooverthink ko, to the point na maski ako napapagod na rin. Yung lahat ng pinagdaanan ko sa buhay nagfflashback lahat. Like ung mga times na nasnatch at naholdup ako,yung Kahit nasa loob kami ng bahay pakiramdam ko may papasok sa bahay namin para magnakaw. Yung time na may nakaaway lip ko (bf&gf time) na adik dito samin, pag twing umaalis lip ko mag isa pakiramdam ko may nakakaaway na sya sa labas, pag di sya nakauwi agad baka may nangyari na. Sobrang paranoid na ako 😢😢 Problemado ako sa financial capability namin ngaun dahil sa pandemic na to, kaya nagdecide ako magstay kami dto sa bahay ni mama with my siblings para makalibre sa lahat including diapers ni Baby(8months old). One Night naginuman lip ko with my relatives, andun kami sa bahay ng lola ko lahat maliban sa isang kapatid ko na naiwan sa bahay para maghalfbath. Then ung lip ko lasing na, nagpaalam na iihi pero di ko alam na sa bahay sya umuwi, nung napansin ko na ang tagal nya at wala sya sa bahay ng lola ko dali dali akong umuwi bitbit baby ko halos madapa pa ako kasi iba ung nararamdaman ko. Pag silip ko sa bintana nakita ko ung lip ko na nakaupo sa may bangko inaabot ung kamay ng kapatid ko, dali dali ako pumasok ung lip ko nakatulog na kaya kinompronta ko ung kapatid ko, sabi nya niyakap daw sya ng lip ko tapos nagsabi ng iloveyou akala daw siguro ng lip ko, ako sya. Some part of me believe from what my sister says kasi madalas pag nalalasing lip ko niyayakap talaga ako at mag a iloveyou sakin pero hanggang ngaun di pa rin nawawala sa isip ko na baka nagsisinungaling ung kapatid ko. Pero nagstay pa rin kami dto dahil hirap nga sa pera... Nagkaproblema ang company ng lip ko kaya nung july 7 na lang ulit sila nakabalik sa work pero ngaun july 19 biglaang sinabi na last day na nila. 😢 kaya ito nanaman ako problemado san sya pwede pumasok na trabaho. Yung lip ko matagal na nyang ugali talaga ang mainitin ang ulo, laging nakasimangot pero hanggang ngaun nahihirapan ako mag adjust lalo na ngaung ang dami kong iniisip. Pakiramdam ko wala syang paki sa nararamdaman ko dahil mas inissue nya ung pagod nya sa trabaho, ung pagiging tamad ng mga kapatid ko sa bahay(which is lagi rin ako namromroblema ilang beses ko na rin sila pinagsabihan pero nga nga parin) at kung anu ano pang issue. Sinasabi ko sa kanya lagi na please lang itigil nya ung mga ugali nyang auko kasi konting konti na lang sasabog na uutak ko kakaisip pero hanggang ngaun di nya pa rin iniiwasan. May times na talagang naglalabas na ako ng sama ng loob ko sa knya at inaaway ko pero andun nanaman ung awa ko sa kanya kapag nakikita ko syang nalulungkot sa mga sinasabi ko laging nagfflashback sa isip ko ung sinabi nya sakin noon nung nakikipaghiwalay ako saknya(bf&gf time) "Ikaw na nga lang yung taong nakakaintindi sakin tapos iiwanan mo pa ako, akala ko naintindihan mo ako pero hindi pala" he's the black sheep of his family. I know to myself na tumagal kami ng almost 6 years hindi dahil sa awa, kundi dahil mahal ko sya. Mahal na Mahal ko Lip ko kahit na minsan napapagod na ako sa mga bagay bagay na ginagawa nya, Kahit nasasabihan ko sya na maghiwalay na kami hindi ko talaga intensyon yun nasasabi ko lang out of anger pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya pag naghiwalay kami hindi dahil may anak na kami noon pa man na mag bf at gf kami di ko sya kayang bitawan kasi Sya lang din ung taong tumanggap sa pagkatao ko kahit na muntik na ako ma rape ng step father ko at tingin na ng ibang tao na narape talaga ako, kahit na tinatawag ako ng mga taong Galis dahil sa mga peklat ko sa balat, kahit na nagalaw na ako ng mga naging bf ko siya lang ung lalaking nirespeto talaga ako na kahit alam nya lahat ng dumi ko tinanggap nya ako. Nung unang beses na may mangyari sana samin ng lip ko hindi nya tinuloy kasi ayaw daw nya pilitin ako sa bagay na ayaw ko dahil nd naman daw S*x habol nya sakin ilang beses un pero hindi nya ako pinilit nun kahit ako ung nag insist. Ewan ko ba ang gulo gulo ng isip ko, epekto ata to ng pagkauntog ng likod ng ulo ko sa kanto ng ref 😅. Nababaliw na ata ako.