Hi
Hindi kami okay ni partner recently lagi kami nag aaway. Lagi ako galit sa kanya. Hindi ko alam gagawin ?

Ano ba kinagagalit mo? Ano ba pinagaawayan niyo? Dapat sinosolusyinan niyo, or pinaguusapan niyo kung ano nagiging cause nun. Give and take kayo mommy, kung meron man kayong di napagkakasinduan. Always compromise or meet halfway. Pero kung maliliit na bagay at kaya naman palampasin, palampasin mo nalang. Kung kaya namang pagpasensiyahan, pagpasensiyahan mo. Or better kung meron talagang ibang nararamdaman na, i-voice out mo. Maging open lang kayo sa isat isa. Pagusapan niyo ng mahinahon. Kung pakiramdam mo, di mo pa kayang makipagusap, hingi kang konting time or space. Palipasin mo muna inis or galit mo. Mas di kasi kayo magkakausap ng maayos kung di pa kalmado or nasa peak pa ng emotion yung isa, worst kayong dalawa. Talagang magpapangabot kayo.
Magbasa pa


