Hindi ba makakasama sa baby?

Hindi ba makakasama sa baby pag laging nakaangkas sa single na motor kasi nagwowork po ako araw araw po ako hinahatid gamit single na motor #1stimemom #pleasehelp

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung dpo maselan ang pagbubuntis mo ay ok lang naman at kung malapit lang Ang work place mo,syempre my kasamang pag iingat din yung taga drive ng motor.ako nung 1st to 2nd trimester kumuha ako ng service na e bike going to work.pero napapansin ko balasubas mag drive.alam naman nyang buntis ako pero walang pakialam sa humps.kaya ginawa ko,Ako nalang mismo nag drive ng motor ko para tantyado ko ang pagpapatakbo.10mins drive lang naman going to work and im 36weeks now😁

Magbasa pa

ako mi thrice a week ako umaangkas sa motor, di din maiwasan kasi mas napapagod ako kapag nagcocommute, akyat baba sa footbridge, tagtag sa bus at tricycle. pero nagconsult ako kay OB nung 5weeks preggy pa lang. wala naman daw problem kasi di naman maselan pagbubuntis ko. 20weeks na ko ngayon and still praying to keep us safe kapag nasa kalsada. kung may choice lang ako, magstop na lang ako magwork kaso nagpapaaral pa ko mga kapatid at ayaw ko iasa sa hubby ko yun. 😞

Magbasa pa

Hindi rin po nire-recommend ni OB ko, kahit hindi naman considered high risk 'yung pregnancy ko. Same with the previous comments, matagtag daw po kasi, hindi pa naman po maayos karamihan ng mga kalsada dito sa'tin. Also, once maaksidente, walang raw po kasing ibang makakapag-protect sa'tin and sa baby kasi wala namang mga harang sa gilid. Ayun po. Stay safe. πŸ’•

Magbasa pa

going 23wks. still, single na motor paden service ko papasok sa work. mas mahirap pag may sidecar lahat ng aldag mararamdaman mo khit magulungan lang ung maliit na batoπŸ˜‚ kaya mas okay yung single na motor since wala tayo kotse πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Ingat nalang mamsh. dahan dahan lang dapat driver mo and wag din singit ng singit para iwas aksidente nden.

Magbasa pa
2y ago

23 weeks hatid sundo sa work gamit single motor dito same mas nakakatagtag ang transpo using tricycle at yung jeep mas matagtag pa Lalo pag kaskasero driver at malubak ang daanan dito samen.. keep safe na lang po.

VIP Member

Syempre po delikado yan, pero kung pareho tayo na walang choice, pag-iingat na lang ang dapat nating gawin..From Monday to Friday, palagi akong nakasakay sa motor pag papuntang school, sa bundok pa yon ah, almost 24 km galing sa bahay namin..Ngyayari yun hanggang sa makapanganak ako. Sa awa ng Diyos, wala nman pong ngyari kay samin ni baby..Dasal lang besh.πŸ™‚

Magbasa pa

Dto po sa amin dahil mahirap ang transpo no choice kundi motor. And feel ko po mas safe ako pag kasama ko mister ko kesa sa jeep or bus na sobrang siksikan bago magbyahe. mas lalo pong nakaka stress para sa ating buntis na mag commute..pero dipende pa din po yan kung maselan kayo magbuntis syempre dun kayo dapat.

Magbasa pa

naangkas din ako sa motor pero naka side lang ang upo..sa totoo lang mas matagtag ang tricycle kesa motor,since tricycle ang kadalasan nasasakyan papuntang bayan.mangilan ngilan lang ang jeep na nadaan..basta dahan dahan lang ang takbo..aware naman ang asawa mo lalo at buntis ka pa. f

Ako nga ka buwanan na umaangkas pa sa motor. Ingat talaga at wag kamo mag madali yung mag ddrive. May go signal ng OB ko kaya nung 3mos. Pa lang tyan ko binigyan nya ko pampakapit. At make sure po naiinom mo lahat ng vitamins mo para mas malakas si baby mo and ikaw mismo.

For me for safety purposes hindi sya safe. masanggi ka lang ng kotse/track pwd ka mamatay eh. Kaya ako hindi sumasakay ng motor kapag buntis. ilang cases na ba ang namatay dahil sa motor? kahit nag iingat ang driver,kahit dahan-dahan pa yan.

2y ago

accident is accident kahit mag-ingat ka pa, kahit naka kotse ka pa, jeep, etc .. not because naka motor ka, mas prone ka to accident at mamamatay ka. πŸ˜† to you mommy, as long as you're comfortable riding a motorcycle, go. tell your OB also kung safe ba sayo to ride one. ☺️

Hmm, I think mi it's best to discuss this with your OB. Sya kasi nakakaalam ng history mo. She knows what's the best approach sa pregnancy mo. Pwede kasing sa iba ok lang naman, pero hindi applicable sayo, ganon. Iba iba kasi tayo ng pagbubuntis mi