Anxiety, Stress or depress??

Hindi ako sigurado kung matatawag na anxiety na yung nararamdaman ko o stress o depress. June 16 mula nung nanganak ako sa 1st baby ko 1st month palang halos sumuko nako pero nilabanan ko sarili ko. Pure bf po ako kay LO ko till now 6 monthz sya. Hirap ako makatulog sa gabi. Hindi ko maintindihan sarili ko sa gabi iniiwasan ko na mag isip dpa din ako makatulog. Sobra hirap matulog. Number 1 nararamdaman ko umaga palang paggising ko feeling ko pagod na pagod nako. Iniiisip ko kung ano mangyayari sa buong araw at sa susunod na araw nararamdaman ko pagod na paulit ulit kong gnagawa paulit ulit na routine bilang 1st time mom na nakakapagod talaga. Lagi nalag ako galit sa mister ko kahit sa napaka simpleng bagay. Insiip ko palang 1 palang baby ko pano kung dalawa tatlo o apat pa. Kaya saludo po talaga ko sa mga nanay na nakakaramdam ng ganito. Dagdag papo yung nararamdaman ko sa mister ko. Dko alam gagawin pero nawawalan narin ako gana sakanya. Sex, sweetness halos dko na maramdaman sakanya at dko na maiparamdam pagmamahal sakanya. Dagdag pa yung nararamdaman kong dna nya ko mahal. Para bang feeling ko nagsasama nalang kami para sa anak namin. Pls help and advice kung pano po gagawin ko. Kailangan ko ng payo po mula sa inyo PLS RESPECT.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Maririnig mo ito kahit saan kasi ito talaga yun eh, COMMUNICATION. You have to learn how to communicate your feelings and thoughts kay husband mo. Baka need mo pala ng help sa pagaalaga sa anak mo dahil pagod na pagod ka na at wala kang tulog dahil ebf ka pa, pero hindi mo sinasabi nage-expect ka lang na tulungan ka niya, which is hindi niya ginagawa kasi wala siyang idea na pagod ka na pala, kaya ending nagagalit ka na lang sa mister mo, at dahil hindi mo rin masabi yung nararamdaman mo hindi na kayo nag uusap kaya ang nangyayari nauuwi sa resentment yung bottled feelings niyo. Men ang clueless. Most of the time alam nila na galit ka pero hindi nila alam kung bakit. Kahit sa husband ko ganon din, alam niya galit ako kapag tinatanong ko siya kung alam niya bakit, natatawa na lang ako sa answer at facial expression niya kasi ang clueless niya. Kaya dapat magkaroon kayo ng heart to heart convo ng husband mo. Heart to heart, walang pride. Dumaan din kami sa ganyan pero, COMMUNICATION is the key talaga, pagusapan ang problema at hanapan ng solution.

Magbasa pa