Not enjoying my pregnancy journey
Hindi ako magpapakaplastic but seriously hindi ko naeenjoy ang pregnancy journey ko. I’m now 22 weeks pregnant and I can’t wait na mag February na. All trimesters, lumabas lahat ng allergies ko. First trimester, allergic rhinitis and ubo. Isama mo na rin ang UTI na sobrang sakit ng lower abdomen ko. Nung Approaching second trimester, akala ko makakapag relax relax na ako at magssubside na ang mga symptoms pero mali ako. Yung balat ko, ang lala ng eczema to the extent na nagigising ako sa pagkakatulog dahil unconsciously nagkakamot na pala ako at sobrang hapdi na. Yung arms ko, binti, legs at tummy ko sobrang daming kati kati, in clusters sya na may mga pimple like na SOBRANG kati! Sa binti at paa ko may sugat na umiikot at sumasakop na sa palibot ng binti ko. Nagpacheck up na ko sa ilang derma at nakabili na ng ilang ointments, body wash na sobrang mamahal, seba med and atoderm. Nagtry na rin ako ng suubalm, bepanthen, nizoral, physiogel walang epekto. Napapagalitan ko na ang husband ko kasi pag sinasabi nya sakin na WAG MAGKAMOT, like hello??? Parang madali. Para kang naga advise sa depressed na tao na wag na malungkot. Ganon ang feeling ko sa advice na yan. Sobrang kati ng tyan ko na prang may linyang gumuguhit sa tyan ko. SOBRANG KATI. may third trimester pa ko na bubunuin and I’m not happy with my journey. Naiiyak na lang ako sa gabi sa sobrang stressed at lungkot ko praying to God na iprotect ang baby ko sa lahat ng nararamdaman ko sa katawan. I may not be happy with my journey but still I want my baby to be safe, normal at malusog. #firsttimemom #firstbaby