sa binyag/birthday ng baby ko, ito ang checklist: 1. simbahan 2. kandila 3. damit ni baby 4. invitation (hindi na kami nagpaprint, soft copy na lang at send sa chats dahil may mga invitees kami from malayong lugar) 5. venue 1st born-jollibee (sila na bahala sa lahat. pupunta na lang kau, ready na lahat. may aircon pa.) pwedeng magrent lang kau ng venue. hindi naman kasama ang food dun. 2nd born-event hall sa resort (walang magdedecor, wala pang food, no tables and chairs) 6. food 1st born-jollibee 2nd born-catering ang maganda sa catering ay wala na kaung aasikasuhin. hindi na kau maglilinis. kanila na ang tables and chairs. 7. souvenirs 8. event stylist (optional kung gusto niong maganda ang venue) 9. host/clown (optional. para sa mga games at program. mura ang clown. may magic na rin sila) 9. photographer (optional kung may assigned kaung photographer na family member) 10. cake 11. game prizes pinakaconvenient ay sa restaurant like jollibee. jollibee ay may murang package (may murang menu, mascot, host, cake, souvenirs, game prizes) sa jollibee, nasa 290 per head ang food. may mas mura pa naman dun na menu. sa catering, 350 per head. pero kung ok sa inyo na kau ang magluto, ok din. ensure nio lang na ung venue ay may tables and chairs. dahil hindi pa kasama based sa experience namin. para may idea kau sa jollibee birthday package. https://www.smartparenting.com.ph/celebrations/party-planning/your-ultimate-guide-to-jollibee-party-2023-a2233-20230827
mommy mas sulit po kung papaluto nalang kayo kung 45k lang ang budget tapos nagpaparenta naman ang mga catering services ng mga gamit pa set up nalang kayo.. lalo na kung madami naman willing magluto . seriously ang mahal magpaparty po ngayon . skl yung gastos namin para po may idea kayo possible kasi mi na kung dalawa event since sabay birthday at binyag baka magdagdag pa kayo ng gastos .. ako nagbudget ng 50k kala ko kasya na pero umabot kami 90k overall🥺❤️ pero ok na din kasi ang habol din namin masulit ng mga bisita kasi taga probinsya kami at nag siuwian pa yung ibang kamag anakan namin 1st bday and binyag din sabay na .. venue namin dito lang sa garage namin 100pax.. samin po nagpa Catering kami tapos nagpaluto din ng 3 ulam bukod pa yung dishes na kasama sa catering.. nagpaluto kami caldereta + afritada + dinuguan, Birthday&binyag cake fondant- 3500 IceCream sorbetes service : 3500php 1 Lechon: 12k Souvenir sa mga bisita, lootbags, Clowns: 2500 Souvenir for Ninongs and Ninangs at Dessert buffet.. yung invitation kami na po ang gumawa.. yung iba via online nalang namin sinend digital invitation... tapos may gastos pa sa outfit ng baby for Binyag and change outfit for party... tapos may photographer pa para naman may magagandang photos naman as remembrance...
Anonymous