My story Bakit ako na Emergency CS

Hii mga momies. Sharing with you my story. I gave birth last October 7, 2025 4:43pm in the afternoon via emergency cs. Di ko talaga inexpect na ma cs ako. Lahat ng laboratories ko ay normal. Nag pa ultrasound pa ako September 26, at normal talaga lahat. My EDD is October 18, pero sabi ko kay doc na gusto ko na manganak 38 weeks at sakto naman she scheduled me October 6, 1CM na ako. Prior that day, i was scheduled to be induced October 6, 8am pumunta na ako sa birthing clinic kasi doon ako manganganak, nag start na ako e induce 11am, as in whole night ako gi induce. But, meron na napansin na mataas ang heartbeat ni baby kapag dinopler siya, i was advised to take Oxygen para ma regulate yung oxygen level din ni baby sa tummy ko. So what happened, d talaga nag progress yung induce ko i was stocked 1CM lang talaga.πŸ₯Ί By October 7, morning na, sabi ng OB ko na umuwi muna kami at hintayin kung kailan talaga gusto na Lumabas ni baby. Pero i was advised na mag ultrasound muna at mag biophysical test para to monitor sa heartbeat ni baby. Pumunta na kami by 10am sa isang private hospital to conduct those ultrasound and biophysical test. And the result is BAD. NA ubusan na pala ako ng panubigan. Oligohydramnios yung result ng ultrasound ko 8/10 na daw meaning nag leaking pala ako prior a week pero wala naman ako napansin talaga na basa sa panty ko. Huhu Kaya hindi nag progress ung induce pala. October 7, 12non. I was referred to a private hospital, sabi ng OB ko, emergency CS na talaga ako, no chance na maging Normal kasi pag na abotan pa ako na bukas, baka wala na si baby ko sa tummy. At yun na nga, October 7 at 4:43PM, na emergency cs ako at nailabas na Healthy at buhay si baby girl ko.

My story Bakit ako na Emergency CS
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply