Mosquito bite

Help sobrang daming lamok ang daming kagad ang LO ko :( nainis na inis ako working mom ako sa gabi pag ako naman may bantay wala syang kagat pero pag iniiwan ko na sya s mag babantay apaka dami nyang kagad ng lamok . inis na inis ako . naiiyak ako sa inis sa sobrang daming kagat ng lamok ng bebe ko . 14 months old bebe ko iniisip ko paano pag madengue sya :(

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Saan po ba si baby during the day? Baka nailalabas naman po sya, unlike sa gabi na baka nakakulong lang kayo sa kwarto. Ano po suot nya during the day vs. night? May iniwan or ibinilin ba kayo sa naga-alaga na mosquito repellant para hindi sya kagatin ng lamok? Kausapin nyo po yung nagbabantay at bigyan ng instructions kung ano ang dapat gawin para hindi kagatin ng lamok si baby. Valid po ang concern nyo, delikado at maraming sakit po talaga ang pwede makuha sa kagat ng lamok, hindi lang dengue.

Magbasa pa

Mi bili po kayo ng parang insect killer lamp para mabawasan ung mga lamok or any insect na nalipad, sana malinis din ang paligid and pajama siguro si baby kung di naman masyado mainit. Kausapin nyo din ung nagbabantay na delikado ang mga insect bites sa baby. Mahina pa immune system nila. Lapitin din sila ng insects kasi amoy gatas kaya dapat malinis din lagi si baby.

Magbasa pa