39w 2d pregnant please help po.

Help me po. kaninang 4am may lumabas saakin na medyo malapot na tubig pero konti lang prang half cup lang po yung dami, then after po nun meron din unti unti lumalabas na fluid may halo sya na brownish until maging blood na. Nung nagpunta na po ko ng hospital ang sabi ni ob close cervix pa so pinauwi muna ako. ngayong pag uwi ko naman po napuno ng dugo yung suot kong panty liner. Ba't po ganun? dahil po ba sa pag ie yung pgdudugo? at nagllabor na po ba ako? wala naman po ako masyadong nararamdaman maliban sa pananakit ng likod pero ang pain is 5/10 po tolerable naman at hindi din po masyado naninigas yung tiyan ko. #pleasehelp #firstbaby #advicepls

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

bka sa ie mu sis same sakin at sa tinatake ku na primrose may lumabas sakin na jelly na may halong dugo but no pain pa naman ,ung hilab hilab lng at paninigas ng tiyan 2cm na dn aku last friday waiting na lng ng active labor hope makaraos na 🙏🙏🙏

Yep labor na po ikaw. Kamusta kana po? Nanganak kana?

3y ago

hindi pa po, pero nakakafeel po ako ng lower back pain hanggang sa lower abdomen ko at continous din po ang bleeding ko. pinauwi pa po ako ng ob kasi close pa cervix ko.