iyakin na baby
help please , Gabi gabi na lang napaka iyakin ng 3month old ko first time mom po ako , hindi ko na alam ang gagawin

mommy,try nyo po libangin si baby pag umiiyak sya..hindi naman po sya iiyak ng walang dahilan kung sa tingin nyo busog naman pero umiiyak parin,napadighay na pero iyak padin..padapain nyo po kahit umiiyak then tapik-tapikin nyo po ang likod nya hanggang sa marelax si baby..pag narelax na po sya itihaya nyo naman tapos i loveyou massage naman gawin nyo ng sampung beses..pag ngumiti na si baby bicycle naman gawin nyo hanggang makipaglaro na po sya sa inyo ng hindi nya namamalayan..nakakakita na po si baby sa ganyang age mommy kaya mas madali nalang syang libangin..wala pong masama kung kakargahin nyo si baby lalo na pag gabi sabi nga nila minsan lang silang maging baby kaya sulitin na natin yung pagkarga sa kanila..sa katunayan nga po si baby ko mag 3months na po sya pero since 3weeks sya sa chest ko na po sya natutulog hanggang ngayon tinitiis ko po yung magdamag na ngalay kase dun po komportable baby ko..tsaka mahaba tulog nya pag sa chest ko natutulog..tsaka nabobored na din po si baby sa ganyang age kaya dapat nililibang natin sila..
Magbasa pa


