Headache
hellow po ask ko lang po kung okay lang magtake ng biogesic ang buntis, 1st baby ko po 4months palng po sobrang sakt po kase ng ulo ko kahapon pa po tiniis ko lang ayoko po sana magtake baka may mangyari sa baby ko pero maskt tlaga. thank u po in advance .God bless

Magtubig po kayo lagi, sabi din po ng ob ko na di kailangan na uminom lagi ng gamot kase makakasama parin sa baby. Minsan daw po kase dala ng panahon ang pagsakit ng ulo, at indication din po ito na kulang sa tubig ang katawan mo. Kaya mag water ka lang po ng mag water.
Mommy mas maganda po wag po kayo magtake ng normal na medications na hindi pangbuntis. Meron pong nirereseta na mas ibang paracetamol para sa atin Acetaminophen and always consult your doctor po sa kahit anong medications ang iinumin natin. ❤️ Stay safe Mommy
iwas sa mainit at stress sis. mahirap pero ganun tlga. dun ka maglagi sa malalamig na lugar at magmeditate or be cheerful and happy. pag di tlga kaya pwede naman paracetamol (biogesic) ipaalam mo if may doctor ka. at wag palaging uminom. pag sobrang sakit lng.
Hi, ako sobrang tiniiis ko ung sakit nang ulo ko mas dinamihan ko ang water intake ko then alaga sa mga pinapahid sa ulo ( I consulted first to my OB if safe ung mga pinapahid) naka inom lang ako nang biogesic nung nilagnat na ako at nirequire na ako ni OB...
First time mom too di ako nagtake ng any meds, try ko sana biogesic noong first trimester ko kaso takot ako baka fake ma take ko. ang ginawa ko nalang nilalagyan ko ng ice bag yung noo ko. Dapat ka pong magpalamig para maiwasan ang laging pagsakit ng ulo.
Biogesic lang ang pwede sa buntis momsh. Pero as much as possible kung kaya tiisin mag cold compress nalang muna. Bili ka ng ice pack sa shopee sis very helpful ganun ginagawa ko may migraine kasi ako tapos nag stop pa ako mag coffee kaya lalong lumala.
4 months and 5 days din po ako at sumakit din po ulo ng sobrang sakit last month pero never ko po iniinom ng kahit anong gamot na hindi bigay na OB ko mahirap na po ... pwede kasing sa mata ang dahilan o mataas ang BP kailangan po masabi nyo agad sa OB
ako ksi nagtake lang ako ng biogesic nung nilagnat ako,pero sa pananakit ng ulo as in tiniis kona nag aalala din ksi ko kay baby nilalagyan ko nalng palagi ng meiyi konting massage nawwla namn tapos ittulog ko siya nasa stage ka pa po ksi ng paglilihi.
4months na akong pregnant ngayung last checkup ko sabi ni ob di nya daw makita or maramdam or heartbeat ni baby worried na po sabi nya puro tubing daw po yung tyan ko.pero nararamdaman ko nman si baby sa tummy ko pumipitik pitik Sya lalo na sa gabi.
sabi po paracetamol lang daw .. tapos no na daw iba .. kaso nakakatakot din kc may side effect po mga gamot sa babys .. hilot hilotin nio nlng po .. or lagyan mo maanghang na bicks ulo mo para d mo masyado mafeel pain .. ganun po ginagawa ko ..
Magbasa pa